“Sanay na ako.” “Normal lang ‘to.” “Lilipas din ’yan.” Ilan lang ito sa mga sinasabi ng mga kababaihan tuwing nakararanas ng pananakit ng puson habang nireregla. Kahit hirap nang makakilos, tuloy pa rin sa pagpasok sa klase, trabaho, o pag-aalaga sa pamilya.
Pero kailangan nga bang magtiis? Normal lang ba talaga ang matinding pananakit ng puson tuwing may regla? At ano nga ba ang nangyayari sa katawan kapag sumasakit ang puson? Alamin dito.
Bakit Sumasakit ang Puson Tuwing Dinadatnan ng Regla?
Ang pagsakit ng puson o dysmenorrhea ay kadalasang nangyayari sa mga kababaihan bilang bahagi ng kanilang buwanang dalaw o menstrual cycle. Ngunit hindi lahat ng period pains ay pare-pareho. Ilan sa mga pwedeng maramdaman ng mga babae ay ang pananakit ng puson, pananakit ng balakang o lower back, pagkahilo, pagsusuka, pagiging iritable at labis na pagod.
Heto ang ilang dahilan kung bakit sumasakit ang puson ng mga babaeng may menstruation o regla:
Ang “Hidden Trigger” ng Menstrual Pain
Ang prostaglandin ay ang kemikal na ginagawa ng katawan habang may regla. Tinutulungan ng mga ito ang uterus na mag-contract para mailabas ang lining.
Kapag mataas ang level ng prostaglandin sa loob ng katawan, mas malakas ang contractions ng uterus. Mas matindi rin ang pananakit ng puson.
Pagbabago Dala ng Hormones
Ang biglaang pagtaas at pagbaba ng estrogen at progesterone levels bago at habang may regla ay maaaring magdulot ng pagsakit ng puson. Bukod dito, nakakadulot din ito ng pamamaga o inflammation sa babang parte ng katawan.
Lifestyle Factors
Ang stress, kakulangan sa pagtulog, kakulangan sa ehersisyo, at unhealthy diet ay maaaring magpalala ng period pain at gawing mas matindi ang cramps. Kaya, nararapat lang na alagaan ang sarili at siguraduhin ang pagkakaroon ng tamang pahinga.
Kapag Sumasakit ang Puson, Ano ang Dapat Gawin?
Bukod sa pahinga at pag-inom ng maraming tubig, may ilang mga paraan para makatulong sa period pain:
- Subukan ang heat therapy para sa cramps!
Nakakatulong ang hot compress na mapabuti ang daloy ng dugo at mabawasan ang kirot ng cramps.
- Mag-stretching o ehersisyo.
Ang mild na stretching o walking ay nakakatulong para hindi manigas ang pelvic muscles.
- Bawasan ang pag-inom ng kape at iwasan ang maaalat na mga pagkain.
Ang sobrang asin ay maaaring magdulot ng bloating at water retention, habang ang caffeine ay maaaring magpalala ng muscle tension. Kung maaari, isang baso lang ng kape ang inumin sa isang araw.
- Huwag magpuyat.
Ang sapat na tulog (7 hanggang 9 na oras) ay nakakatulong sa natural na pag-regulate ng hormones na maaaring may kaugnayan sa pananakit at cramps.
- Subukan mag-ibuprofen.
Tinatarget ng ibuprofen ang mga prostaglandin. Kapag mas kaunti ang mga ito, mas kaunti rin ang “pain signals", kaya mas gumagaan ang pakiramdam.
Kailan Nagiging “Hindi Normal” ang Period Pain?
Tinatayang humigit-kumulang 60% ng mga babae ang nakakaranas ng mild cramps tuwing may regla. Sa kabilang banda, may 5%–15% na nakakaranas ng mas matinding pagsakit ng puson na nakakaapekto na sa kanilang araw-araw na gawain.
Huwag ipagwalang-bahala ang sakit sa puson. Magpatingin sa doctor kung:
- Hindi nawawala ang sakit pagkatapos magpahinga
- Sobrang lakas ng pagdudugo
- May kasamang matinding hilo o pagsusuka
- Biglang lumala ang sakit kahit dati ay manageable naman
From Lala to Wala!
Kung naghahanap ka ng pwedeng makatulong sa pananakit ng puson, subukan ang Ibuprofen (Medicol® Advance 400). Ito ay may 400mg ng ibuprofen na maaaring makatulong upang mabawasan ang sakit na dala ng dysmenorrhea.
Ang Ibuprofen (Medicol® Advance 400) ay mabibili sa Mercury Drug, Watsons, South Star Drug, at sa iba pang leading drugstores nationwide. Ito ay available bilang softgel capsule na mas madaling lunukin, mas magaan sa tiyan, at mas mabilis ma-absorb ng katawan. Nasa bahay man, eskwelahan, trabaho, o biyahe, handa ka para sa dysmenorrhea.
Suggested Usage:
Para sa edad 12 taong gulang pataas: uminom ng isang softgel capsule hanggang 3 beses sa isang araw kung kinakailangan. Maghintay ng hindi bababa sa 4 na oras bago uminom ng susunod na dosis. Maaari ring uminom ng isang softgel capsule bawat 8 oras kung kinakailangan. O, inumin ayon sa reseta ng doktor.
- Huwag uminom ng higit sa 3 softgel capsules (1,200 mg) sa loob ng 24 na oras.
- Huwag gamitin ang gamot na ito nang tuloy-tuloy nang lampas sa 10 araw maliban kung ipinayo ng doktor.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kaligtasan, pag-iingat, at iba pang detalye tungkol sa produktong ito, pakibasa ang Patient Information Leaflet.
If symptoms persist, consult a doctor.
References:
Dysmenorrhea (Menstrual Cramps) | Cleveland Clinic
About Menstruation | NICHD
Understanding Dysmenorrhea: A Comprehensive Review | PubMed Central (PMC)
Primary Dysmenorrhea: Pathophysiology, Diagnosis, and Treatment Updates | PubMed Central (PMC)
Primary Dysmenorrhea: Assessment and Management | PubMed Central (PMC)
Prevalence of Menstrual Pain in Young Women: What Is Dysmenorrhea? | PubMed
Primary Dysmenorrhea in Adolescents and Young Women: A Review | Healthcare (MDPI)
Painful Periods (Dysmenorrhea) | UC San Diego Student Health Services
Period Pain | MedlinePlus
Menstruation and the Menstrual Cycle | NCBI Bookshelf
Advances in the Understanding and Management of Dysmenorrhea | PubMed Central (PMC)
The Menstrual Cycle and Prostaglandins | PubMed
High Estrogen: Causes, Symptoms, Dominance & Treatment | Cleveland Clinic
Recent Advances in Dysmenorrhea Research and Clinical Management | PubMed Central (PMC)
ASC REF NO. U0212P061026M
