Marami ngayon ang nababahala sa “super flu,” kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng flu-like symptoms na mas mabilis kumalat kaysa sa karaniwang trangkaso. Mahalagang tingnan ang tamang impormasyon at payo ng mga doktor at health experts para mas maunawaan ang sitwasyon.
Ang “super flu” ay hindi isang medical diagnosis. Ito ay terminong ginagamit para ilarawan ang Subclade K, isang bagong natukoy na variant ng H3N2 influenza A virus1.
Dapat bang ikabahala ng publiko itong super flu? Here’s what you need to know:
Trangkaso lang ba ito? Ano ang sinasabi ng mga doktor tungkol sa “super flu?” Nilinaw ng mga health experts na bagamat bagong variant ang Subclade K, bahagi pa rin ito ng H3N2 influenza virus family, na matagal nang umiikot2 . May ilang early observations na nagsasabing maaaring mas mabilis itong kumalat at mas ramdam ang symptoms sa ilang tao, pero hindi ito mas delikado kaysa sa ibang flu strains3.
Sa katunayan, karamihan ng nagkakaroon ng “super flu” ay nakakaranas pa rin ng mild flu-like symptoms at gumagaling sa bahay1.
Ayon kay Department of Health spokesperson Assistant Secretary Dr. Albert Domingo, “Mas marami po sa mga kaso ay nagiging mala-trangkasong sakit lamang at hindi kailangan ma-hospital1.”
Nagbigay rin ng reassurance ang DOH na ang mga kasong inuugnay sa super flu ay pasok pa rin sa normal seasonal levels. Wala ring nakikitang pagtaas ng severe respiratory infections na nagmumungkahi ng public health emergency1.
Gayunpaman, paalala ng mga eksperto na mahalaga pa ring maging maingat.
Kahit regular na trangkaso lang, hindi ito dapat binabalewala. Taun-taon, milyon-milyong severe flu cases ang naitatala sa buong mundo, at daan-libong pagkamatay ang iniuugnay sa influenza4.
Mga kondisyon na kahawig ng trangkaso at “super flu”
Mahalagang tandaan na ang pagkakaroon ng flu-like symptoms ay hindi kaagad nangangahulugang ikaw ay may “super flu”. Ang flu ay maaaring makumpira sa mga laboratory testing ng mga ospital at diagnostic clinics, ngunit ang subclade K ay nakukumpirma sa whole genomic sequencing na available lamang sa mga specialized centers.
Maraming posibleng dahilan kung bakit laganap ang sipon, ubo, at sore throat sa ngayon—lalo na at malamig ang panahon2. Ang pabago-bagong klima, pabugsu-bugsong pag-ulan, at malamig na klima sa umaga ay maaaring makairita sa ilong at lalamunan. Maaari ding sanhi nito ang allergies2.
Ano ang pakiramdam ng “super flu”? Mga sintomas na dapat bantayan
Nakakalito ang pangalan na “super flu” dahil halos kahalintulad ang mga sintomas nito sa karaniwang flu o trangkaso.
Kabilang sa karaniwang sintomas ng flu (kasama ang H3N2) ang5:
- Masakit na lalamunan
- Ubo
- Lagnat
- Pananakit ng katawan
- Matinding pagkapagod
Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na ito, mahalagang mag-ingat upang hindi makahawa sa iba. Iwasan muna ang close contact, lalo na sa mga senior citizens, buntis, bata, at may mahinang resistensya.
Ano ang dapat gawin kung ikaw ay may trangkaso?
Kung ikaw ay nagkaroon ng flu o tinatawag na “super flu,” maaaring makatulong ang mga sumusunod5:
- Magpahinga nang mabuti para maka-recover ang katawan
- Uminom ng maraming fluids para maiwasan ang dehydration
May over-the-counter medicines na nakakatulong sa sintomas, tulad ng4:
- Pain relievers gaya ng paracetamol o NSAIDs
- Decongestants para sa sipon, tulad ng phenylpropanolamine HCl
- Cough suppressants gaya ng carbocisteine o dextromethorphan HBr
Maiging kumonsulta sa doktor para malaman din kung may angkop na antiviral na gamot para sa iyo.
Ang mga simpleng hakbang na ito ay malaking tulong upang guminhawa ang pakiramdam laban sa flu.
Makakatulong ba ang flu vaccine?
Dahil patuloy na nagmu-mutate ang flu viruses bawat taon, regular ding ina-update ang flu vaccine upang mas maging epektibo laban sa mga umiikot na strains. Ayon sa health authorities, may bagong flu vaccine na inaasahang ilalabas sa mga susunod na buwan3. Ang pagbabakuna ay isa pa rin sa pinakamabisang paraan para maprotektahan ang sarili laban sa trangkaso4.
Manatiling alerto, ngunit huwag mag-panic
Maaaring nakakatakot pakinggan ang terminong “super flu,” ngunit ayon sa mga eksperto, walang dahilan para mag-panic. Mas mahalaga ang pagiging well-informed, pagsasagawa ng tamang hygiene, pakikinig sa ating katawan, at pagkonsulta sa doktor kung lumalala o tumatagal ang mga sintomas.
Sa tamang kaalaman at pag-iingat, kaya nating protektahan ang ating sarili at ang mga taong nakapaligid sa atin.
Your doctor will always be in the best position to give the appropriate medical advice for your condition. For suspected undesirable drug reaction, seek medical attention immediately and report to the FDA at www.fda.gov and UNILAB Inc. at 8-UNILAB-1 or productsafety@unilab.com.ph. Always buy your medicine from your trusted drugstores and retailers.
Sources:
1. DOH says ‘super flu’ cases remain seasonal, no spike in severe infections
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/972608/doh-says-super-flu-cases-remain-seasonal-no-spike-in-severe-infections/story/
2. ‘Super flu’ cases in PH now 63—DOH https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/972437/super-flu-cases-in-ph-now-63-doh/story/
3. DOH records increase in cases of super flu
https://www.philstar.com/headlines/2026/01/13/2500599/doh-records-increase-cases-super-flu
4. “Superflu” or same old flu? How subclade K influenza is playing out worldwide
https://www.gavi.org/vaccineswork/superflu-or-same-old-flu-how-subclade-k-influenza-playing-out-worldwide
5. Flu (Influenza)
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4335-influenza-flu

