fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

2024 Alaxan Banner
Mahalaga Sa’min Ang Kalusugan Mo. Mag-Ibuprofen Paracetamol (Alaxan)

Pain Medicines

Mahalaga Sa’min Ang Kalusugan Mo.
Mag-Ibuprofen Paracetamol (Alaxan)

No serious undesirable effects have been reported to date on Alaxan. Read more here on how to take your medicine with care.


Pag tinuring ang isang gamot na pang OTC, iniisip ng tao na mabuting inumin ito na di na kinakailangan ng prescription ng doctor. Tama nga bang kampante tayo sa pag-inom ng OTC medicines?

Ang mga OTC-registered na gamot tulad ng Ibuprofen Paracetamol (ALAXAN) ay sumailalim sa masusing pag-aaral ng mga eksperto para malaman kung ano ang epekto nito sa mga tao.  Kaya naman aral ang mga gamot pagdating sa mga guidelines ng tamang pag-inom. Sundin lang ang mga tips na ito para sa maingat na pag-inom ng gamot.
• Siguraduhin na ang over the counter medicine na bibilhin ay dumaan sa maingat na pag-aaral ng mga eksperto.
• Sundin ang right dosage at rekomendasyon sa pag-inom ng gamot na makikita sa product label.
• Huwag kaligtaang i-check ang listahan ng mga di pwedeng uminom ng gamot na ito at ang mga posibleng side effects.

Siguraduhin na ang over the counter medicine na dumaan sa maingat na pag-aaral ng mga eksperto.
Ang mga gamot na gawa ng mga pharmaceutical company tulad ng UNILAB at labeled na over the counter ay may sapat na pag-aaral o analysis para patunayang ito ay pwedeng gamitin kahit di komunsulta sa doktor.

Sa patient information leaflet ng Ibuprofen Paracetamol (ALAXAN), sinasabi na ang “Ibuprofen+Paracetamol, when taken within the recommended dose has low incidence of undesirable effects. No serious undesirable effects have been reported to date. (Walang seryosong di kanais-nais na epekto ang inireport hanggang sa kasalukuyan.) Only minor allergic type reactions such as skin rashes which are expected with other NSAIDs [non-steroidal anti-inflammatory drugs] have been reported.” (1)

Sundin ang rekomendasyon, lalo na ang tamang dosage sa pag-inom ng gamot.
Ang tamang pag-inom ng Ibuprofen Paracetamol (ALAXAN): 1 tablet or capsule every 6 hours or as needed or as directed by the doctor. At sa pag-inom ng gamot na ito, huwag lalampas ng 10 araw, maliban kung ito ang payo ng doktor. Kasi kadalasan naman, yung minimum na recommended dose ay makakaramdam na ng ginhawa. At pag nawala ang sakit, itigil na ang
pag-inom ng gamot. (2)  Sa mga sensitive ang tiyan, siguraduhing inumin pag may laman ang tiyan o pagkatapos kumain.

Ang OTC medicines ay angkop lang para sa mga taong walang seryosong sakit o allergy sa mga ingredients nito.  Tulad sa ibang gamot, ang Ibuprofen Paracetamol (ALAXAN) ay hindi para sa mga taong may history ng seryosong karamdaman sa kidney (bato), liver (atay), lungs (baga), heart (puso), nagka-stroke na o may 'di kontroladong blood pressure. Kung mayroon kang ganitong mga sakit, kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot na ito. (3)

May mga tao naman na umiiwas uminom ng gamot at pinipili na lang na magpahinga o gumamit ng mga pahd-pahid (topical products), o di kaya natural supplements. Mahalagang malaman na ang mga drug-registered medicines ay dumaan sa masinsin at maingat na pagsusuri para maging kampante ang mga tao sa pag-inom nito para sa mga nararamdaman nilang sakit.

Ibuprofen Paracetamol (ALAXAN): Prescribed na lunas sa pananakit
Bilang gamot na gawa ng UNILAB na dumaan sa maingat na pagsusuri, anumang maaaring undesirable effects (side effects) ng Ibuprofen Paracetamol (ALAXAN) ay nakamonitor. At walang serious issues sa gamot na ito. Ito ay isang gamot na 50 years nang nasa-merkado.

Sa mga nag-aalala sa Ibuprofen intake para sa COVID, corrected na ito ng medical community. Hindi pinalalala ng Ibuprofen ang COVID. (5)

Kaya sa pag-inom ng mga OTC na gamot, tandaan lang ang 3 tips na ito:
(1) Gumamit ng OTC medicines na dumaan sa maingat na pagsusuri at gawa ng UNILAB
(2) Sundin ang dosage instructions at rekomendasyon sa pag-inom nito.
(3) I-check kung may allergy sa gamot o kung may seryosong sakit ka, kumonsulta sa doctor.

Sa mga gamot o kahit nga sa herbal supplements – ang pag-inom na labis-labis sa recommended dosage ay makakasama sa katawan. Kung laging isasaisip at susundin ang 3 tips na nabanggit, maaari kang uminom ng gamot nang hindi nag-aalala para mapadali rin ang ginhawa.

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF. U0045P090423A
______________________
(1)-(3) Alaxan Patient Information Leaflet
(4) Advances in Therapy, “Ibuprofen Safety at the Golden Anniversary: Are all NSAIDs the Same? A Narrative Review” (2020)
(5) Medical News Today, “Ibuprofen and COVID-19: Is it safe?” (2021)

Was this article helpful?