fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Anong Dapat Gawin Kung Pabalik-balik ang Ubong May Plema?

Anong Dapat Gawin Kung Pabalik-balik ang Ubong May Plema?

Alamin kung paano tutulong ang Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance Tablet) bilang isang gamot para sa pabalik-balik na ubong may plema.


Mapapailing ka na lang talaga kapag nakaranas ka ng ubong may plema. Hindi kasi ganoon kadali mag-file ng leave, magkansela ng plano, o mag-adjust kapag marami kang dapat gawin. Bukod dito, medyo frustrating din kapag nararamdaman mo na ang plema sa lalamunan pero hindi pa rin ito lumalabas anuman ang gawin mo.

Isa sa mga dahilan ng pagbuo ng plema sa lalamunan ay ang mga impeksyon na umaatake rito. Nagsisilbing “trap” ang plema upang maipon ang mga organismo na nagdudulot ng sakit at mailabas ang mga ito sa katawan kasabay ng pag-ubo.

Kapag niluluwa, ang plema ay kadalasang kulay berde, isang senyales na may naganap na malawakang immune response sa katawan para maaksyunan ang sanhi ng ubong may plema. Ganito ang kulay ng plema dahil naghahalo-halo ang mga white blood cell, germs, cells, at proteins na nilalabas ng katawan sa immune responses kontra sa sakit.

Maraming posibleng sanhi ang ubong may plema, o kilala rin bilang “productive” o “wet cough.” Halimbawa ng mga ito ay:

  • Mga respiratory infection tulad ng sipon, acute bronchitis, o pneumonia
  • Bronchiecstasis, kung saan namamaga ang bronchial tubes ng baga
  • Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)

Anumang sanhi ng ubo na may plema, mainam na agapan ito kaagad bago pa lumala. Dahil walang pinipiling panahon at oras ang ubong may plema, tandaan ang mga tips na ito:

1. Uminom ng maraming tubig.

Matagal na itong inirerekomenda ng mga eksperto dahil tumutulong ito sa pagpapalabnaw ng plema at pagpapakalma ng ubo. Mahalaga rin ito para maiwasan ang tagtuyo, pamamaga, o pangangati ng lalamunan. Pero gaano karaming tubig ang dapat inumin ng isang tao? Inirerekomenda ng mga eksperto ang 11.5 cups (2.7 liters) hanggang 15.5 cups (3.7 liters).

2. Maligo gamit ang mainit na tubig.

Kung maaari, gumamit ng mainit o maligamgam na tubig kapag maliligo. Ginagawa nitong “moist” ang iyong paligid para lumuwag at mapabuti ang daloy ng hangin sa airways ng mga tao at numipis ang plema sa lalamunan.

3. Iwasan o itigil ang paninigarilyo.

Alam mo ba na konektado ang madalas na paninigarilyo sa mas madalas o pabalik-balik na ubong may plema? Ayon sa isang pag-aaral mula 2010, ang mga taong palaging naninigarilyo ay mas madalas makaranas ng chronic cough o pangmatagalang ubo at produksyon ng plema.

Kapag naninigarilyo, pumapasok at nanunuot sa baga ang mga toxin at kemikal na nasa sigarilyo. Nagdudulot ito ng inflammation na maaaring magdulot ng dagdag na produksyon ng mucus at plema.

4. Iangat nang konti ang ulo at leeg kapag matutulog na.

Inirerekomenda ng ilang mga eksperto ang pag-angat ng ulo at leeg ng mga taong dumaranas ng ubo na may plema kung sila’y matutulog na. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagpatong ng ilang mga unan kung saan ka humihiga. Kapag nakatihayang matulog ang isang tao, may posibilidad na mamuo ang mucus sa lalamunan at magdulot ng ubong may plema na nakakadistorbo sa pagtulog.

5. Uminom ng gamot para sa ubong may plema.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang papel ng mga gamot na makakatulong bilang home remedy para sa pagpapalabas ng plema mula sa katawan at sa pagpigil o pagtigil ng ubo. Isang halimbawa nito ang mucolytics o gamot na sinusubukang buwagin ang plemang nabuo sa katawan para mas madali itong mailabas.

Pero kung gusto mong bumalik sa normal ang pang-araw-araw mong routine, baka hindi sapat ang formula na may mucolytic lamang. Dito puwedeng pumasok ang isang gamot para sa ubo tulad ng Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance Tablet) hindi lang aagap sa ubong may plema, kundi poprotektahan din ang iyong resistensya. Mayroon itong 500 mg ng carbocisteine na tutulong sa:

  • Pagpapalabnaw ng plema para mas madali itong mailabas o maidura ng maysakit
  • Pag-agap ng ubong dulot ng mga respiratory tract disorders tulad ng acute bronchitis
  • Pagbawas ng pag-ubong dulot ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
  • Pagpigil ng pagdikit ng mga bacteria at virus sa mga cells sa respiratory tract

Pero hindi lang makakatulong ang gamot na ito sa pagresolba sa mga kaso ng ubong may plema dahil may 5 mg ito ng zinc. Makakatulong ito sa pagpapalakas ng resistensiya ng katawan para tuloy-tuloy ang iyong paggaling at pag-iwas sa sakit.

Kung nakakaramdam naman ng masakit o makating lalamunan, huwag mag-alinlangan at subukan na ang Benzydamine Hydrochloride Chlorhexidine Digluconate (Solmux® Throat Spray).

Makakatulong ang throat spray na ito sa pagdadala ng ginhawa kontra sa makati, mapahdi, at namamagang lalamunan. Higit sa lahat, madali itong ilagay sa iyong bag para madala mo ito kapag kailangang lumabas ng bahay. Hindi pa sanay gumamit ng throat spray? Basahin ang gabay na ito para sa dagdag na impormasyon.

Huwag hayaang makagambala sa iyong pang-araw-araw na routine—at pangarap—ang pabalik-balik na ubong may plema! Siguraduhing handa ka sa hamon na ito sa tulong ng Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance Tablet).

Mabibili ang Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance Tablet) online at sa mga leading drugstores nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php14.50 kada tableta. Ang suggested use ng Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance Tablet) ay isang (1) tableta kada walong (8) oras o ayon sa rekomendasyon ng doktor.

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Ref. No. U0262P073126S

References

Was this article helpful?

Related Products