fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Sintomas ng neuropathy o nerve damage

Vitamin B Complex and E

Madalas na pamamanhid ng kamay? Alamin ang Sanhi at Lunas

Nakakaranas ng pamamanhid ng kamay? Maaaring sintomas ng neuropathy ‘yan. Huwag balewalain ang manhid, subukan ang Multivitamins (Neurogen-E).


Ikaw ba ay madalas na nakakaranas na ng biglaang pamimitig, tusok-tusok, pangangalay, o pamamanhid ng iyong mga kamay? Hindi ka nag iisa. Pero ang tanong ng lahat, bakit nga ba nagkakaroon ng pamamanhid ng kamay? Maraming posibleng sanhi nito, tulad ng mga sakit sa utak at katawan, epekto ng mga gamot na iniinom, o di kaya ay nerve damage o neuropathy.

BAKIT NAKAKARANAS NG PAMAMANHID NG KAMAY?

Iba’t ibang bagay ang maaaring magdulot ng pangangalay, pamamanhid, o pamimitig ng kamay. Mahalagang alamin ang sanhi upang malaman ang angkop na lunas para dito.

Hand Numbness

Narito ang ilan sa mga maaaring dahilan ng hand numbness:

  • Underlying medical conditions: ang pamamanhid ng kamay ay maaaring sintomas ng ilang mga pre-existing conditions or diseases tulad ng stroke, shingles, migraine, at diabetes.

  • Medication side effects: ang hand numbness ay posibleng isa sa side effects ng ilang mga gamot na iniinom.

  • Lack of Vitamin B: ang Vitamin B-complex ay mahalaga sa paggawa ng red blood cells at DNA sa katawan at sa pagprotekta sa mga ugat, kung kaya’t ang mga taong may kakulangan ng Vitamin B sa katawan ay kadalasan ring nakakaranas ng pamamanhid ng kamay at paa.

  • Nerve problems: kadalasang nagdudulot ng pamamanhid ng kamay ang mga nerve problems na tulad ng carpal tunnel syndrome, herniated disc, neuropathy, at nerve damage.

MADALAS MAMANHID ANG MGA KAMAY? BAKA NEUROPATHY NA ‘YAN.

Ang peripheral neuropathy ay uri ng nerve damage sa labas ng utak at spinal cord. Ito ay nagdudulot ng manhid, ngalay, tusok-tusok, o sakit na karaniwang nararamdaman sa mga kamay o paa.

Ang karamdamang ito ay maaaring magmula sa isang physical trauma, metabolic concerns, impeksyon sa katawan, o iba pang mga sakit na dinaramdam tulad ng diabetes.

Hand Numbness

Narito ang ilang mga common symptoms ng neuropathy:

  • Abnormal sensations: - kabilang dito ang kakaibang pamamanhid, pamimitig, at pangangalay ng mga kamay at paa.

  • Touch sensitivity: - ang mga taong may neuropathy ay may extra sensitivity na nararamdaman kapag may hinahawakang mga bagay.

  • Pain and discomfort: - kadalasang nakakaramdam ng kakaibang sakit sa kamay ang mga taong mayroong nerve damage kahit kaunti lamang ang galaw o hindi gumagalaw.

  • Impaired mobility or movements - nahihirapang gumalaw at gumawa ng karaniwang mga gawain dahil sa sakit, loss of coordination, o panghihina ng mga muscles sa katawan.

AGAPAN ANG NEUROPATHY. ALAMIN ANG MGA TAMANG PARAAN!

Ang mga taong madalas makaranas ng matinding pamamanhid o pananakit ng kamay ay pinagpapayuhang kumonsulta sa mga doktor at espesyalista.

Ang mga taong may sintomas ay karaniwang dumadaan sa laboratory testing at iba pang medical examinations upang malaman ang sanhi at ang angkop na peripheral neuropathy treatment.

Narito naman ang ilang mga paraan na maaaring makatulong upang maibsan at maiwasan ang pamamanhid ng kamay at ibang sintomas na dulot ng neuropathy:

Hand Numbness

Simulan ang diet na siksik sa Vitamin B

Ang pagkakaroon ng mga pagkaing puno ng Vitamin B ay nakakatulong sa nerves sa kamay at sa ibang parte ng katawan. Ilang mga halimbawa nito ay salmon, green-leafy vegetables, at liver at iba pang mga “organ meat” o laman-loob ng manok, baka, at baboy.

Magkaroon ng angkop na ehersisyo o physical movements

Ang pagkakaroon ng regular exercises para sa kamay ay makakatulong upang magkaroon ng tamang movement ang nerves sa kamay. Mainam na mag research at komunsulta sa mga eksperto upang malaman ang nararapat na exercises or therapy para sa iyong mga sintomas.

Sabayan ang healthy diet ng vitamin B-Complex + vitamin E

Ang vitamin B complex na may kasamang vitamin E ay nakakatulong sa pagpapatibay ng nerve health upang makaiwas sa neuropathy o makatulong na maibsan ang mga sintomas nito.

PUMILI NG TAMANG VITAMIN B PARA IWAS NEUROPATHY

Ang Multivitamins (Neurogen-E) ay may vitamin B-Complex at vitamin E na nakakatulong magpagaling ng damaged nerves, makapag pabalik ng proper nerve function, at magprotekta sa nerve health upang maiwasan ang mas malaking damage. (with proper diet and exercise).

Ito rin ay nakakatulong mag bigay lunas sa sintomas ng neuropathy tulad ng pamamanhid ng kamay at masolusyonan ang vitamin B deficiency (with proper diet and exercise).

Paano nakakatulong ang Multivitamins (Neurogen-E) sa nerve health?

  • 100 mg of Vitamin B6 - nakakatulong makaiwas sa pyridoxine toxicity with proper diet and exercise.
  • 300 mg of Vitamin B1 - nakakatulong sa thiamine deficiency with proper diet and exercise.
  • 1,000 mcg of Vitamin B12 - nakakatulong sa pagpapabilis ng nerve regeneration with proper diet and exercise. Ito ay may 5X MORE Vitamin B12 (1000 mcg) kumpara sa ibang plain over-the-counter B-complex brands.
  • 100 IU of Vitamin E - isang antioxidant na nagbibigay ng dagdag na nerve protection with proper diet and exercise.

Paano ang tamang pag-inom ng Multivitamins (Neurogen-E)

Ang rekomendasyon ay uminom ng 1 capsule ng Multivitamins (Neurogen-E) kada araw, na may kasamang proper diet at exercise. Ito ay maaaring inumin sa kahit anong oras ng mga may edad na 19 years old and above.

Kung ikaw ay nakakaranas ng pamamanhid ng kamay at mga sintomas ng neuropathy, hindi mo na kailangan pang lumayo dahil ang Multivitamins (Neurogen-E) ay mabibili sa leading drug stores nationwide at sa online e-commerce platforms tulad ng Lazada at Shopee for only P22.04 SRP per tablet. Kapag may manhid, kumonsulta sa doktor at subukan ang Multivitamins (Neurogen-E).

Huwag balewalain ang pamamanhid ng kamay at iba pang mga sintomas ng peripheral neuropathy. Alamin ang mga posibleng sanhi at karaniwang sintomas upang mabigyan ng tamang lunas.

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Ref. No. U0135P070226N, U0233P062926N

REFERENCES:

Was this article helpful?