fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Stomach Acid: Paano Mapipigilan ang Sanhi ng Heartburn?

Stomach Acid: Paano Mapipigilan ang Sanhi ng Heartburn?

Nakakairita at pabalik-balik na heartburn? Alamin kung paano pigilan ang sanhi nito para hindi lang pansamantalang maibsan ang masasakit na sintomas.


Mainit at burning sensation paakyat ng dibdib? Maaaring heartburn at acid reflux ‘yan. Pero, huwag ka mag-alala! Maraming tao ang nakakaranas nito, lalo na ang mga mahilig kumain ng maanghang at mahilig uminom ng kape at softdrinks.

At dahil heartburn dala ng acid reflux ang problema, malaking tulong kung haharapin ang pinagmumulan nito. Hindi sapat na pahupain lang ang hapdi o sakit na nararamdaman. Mas mahalagang kontrolin ang sobrang asido sa tiyan upang maiwasan na itong maramdaman muli.

Paano nga ba ito mababawasan? Patuloy na magbasa para malaman.

Sakit na Dala ng Heartburn

Maaaring parang may kinalaman sa puso ang salitang heartburn, pero hindi ito sakit sa puso. Sa katunayan nga, mas konektado pa ito sa iyong digestive system.

Nangyayari ang heartburn kapag bumabalik ang stomach acid pabalik sa esophagus (ang tubo na nagdurugtong ng lalamunan at tiyan).1 Bukod sa mainit o masakit na pakiramdam sa dibdib, maaari ding maranasan ang iba pang sintomas tulad ng:

  1. Pananakit o discomfort sa tiyan
  2. Nausea o pagduduwal
  3. Maasim o mapait na panlasa
  4. Pamamaos ng boses
  5. Paulit-ulit na pag-ubo o pagbahing
  6. Pakiramdam na gusto ilabas ang kakalunok lang na pagkain

Hindi simple ang sakit at hapdi na dala ng heartburn dahil madalas ay ramdam ito hanggang sa dibdib at nakaka-abala sa paghinga. Kaya dapat may tamang solusyon ka para sa heartburn at acid reflux.

Ano ang Makakatulong Laban sa Stomach Acid?

Para ma-manage ang heartburn at acid reflux, maaari kang uminom ng antacids para kontrolin ang asido sa tiyan.

Paano Gumagana ang Antacids?

Ang antacids ay gamot na makakatulong sa pagbabawas o pag-neutralize ng asido sa tiyan.

Help Lessen Stomach Acid Formation With Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance)

Kung madalas kang tamaan ng acid reflux, kailangan mo ng gamot sa acid reflux na hindi lang nag-aalis ng existing acid, kundi pumipigil din sa sobrang acid production. Here’s why this is for you:

Ingredients and Benefits

Ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) ay may kombinasyon ng tatlong active ingredients:

  • Famotidine – Tumutulong bawasan ang acid production sa tiyan.
  • Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide – Helps neutralize existing stomach acid.

Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) does not just address your heartburn symptoms. Pinapababa rin nito ang pag-produce ng acid ng tiyan mo. Kaya kung naghahanap ka ng mabilis at pangmatagalang gamot sa acid reflux, ito ay magandang option.

Ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) ay mabilis na ume-epekto. Agad nitong pinapagaan ang pakiramdam sa loob ng 3 minuto at tumatagal ng hanggang 12 oras ang ginhawa. Mainam ito kung gusto mong tuloy-tuloy na makagalaw, makatulog, o makapagpahinga nang walang iniisip na kirot sa sikmura.

Conclusion

May mga epektibo at mabilis na paraan para mawala ang hapdi o discomfort. Sa tulong ng tamang gamot sa acid reflux tulad ng Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance), makukuha ang mabilis at pangmatagalang ginhawa at proteksyon laban sa sobrang acid production.

Ramdam mo ang epekto in as fast as 3 minutes at tumatagal nang hanggang 12 hours.

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Reference Code: U0214P050726K

Was this article helpful?