Nakaranas ka na ba ng biglaang pananakit o paninikip ng dibdib? Kung oo, malamang ay nabahala ka rin sa kakaibang pakiramdam na ito. Huwag agad matakot at sobrang mag-alala dahil maaaring heartburn ang sanhi nito.
Upang maagapan ang heartburn, mahalagang alamin ang mga sanhi at senyales nito. Makakatulong din ang pag alam ng mga epektibong paraan upang malunasan ang heartburn.
Bakit Sumasakit ang Dibdib ng Taong May Heartburn?
Ang taong nakakaranas ng heartburn ay madalas na nakakaramdam ng pananakit ng dibdib dahil umaakyat ang mga acid mula sa tiyan patungo sa esophagus. Habang ang tiyan ay mayroong mucus membrane na nagbibigay ng proteksyon laban sa acid, ang esophagus naman ay wala. Dahil dito, maaari mong maranasan ang mga sintomas tulad ng:
- Pananakit o paninikip ng dibdib (isa sa mga pangunahing senyales ng heartburn)
- Burning sensation o pakiramdam na mainit o mahapdi ang iyong dibdib
Mahalagang agapan ang sintomas na ito lalo na kapag pabalik-balik ang pananakit ng dibdib. Kapag ito ay hindi nabigyan ng tamang lunas, maaaring magdulot ang acids ng pamamaga o inflammation ng esophagus.
Ang malaking tanong: Paano nga ba maaagapan ang mga sintomas ng heartburn?
Ano ang Pwedeng Gamot sa Heartburn?
Ang pinakamadaling paraan upang solusyonan ang heartburn ay ang pag-inom ng mga tinatawag na acid neutralizers. Ang mga ito ay mabibili lang over-the-counter, at nakatutulong na i-neutralize o bawasan ang epekto ng stomach acids.
Kabilang sa mga gamot na ito ay ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S® Advance) in chewable tablet. Mabilis ito umepekto, in as fast as 3 minutes, pwede mo na maramdaman ang relief. Tumatagal rin ang bisa nito, for up to 12 hours, dahil napipigilan nito ang production ng acid mismo.
Maaari ring subukan ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S® Cool Relief) in liquid format. Bukod sa nakatutulong ito laban sa senyales ng heartburn ay nakatutulong rin upang hindi umakyat ang acid sa dibdib. Tumatalab agad sa loob lamang ng 1 minuto ang gamot na ito. Mayroon rin itong masarap na peppermint flavor para mabawasan ang lasa ng stomach acid sa bibig.
Kung chewable tablet ang gusto, pwede ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance). Kung liquid format naman, subukan ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief).
Mabibili ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) at Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) online at sa mga pinagkakatiwalaang drugstores nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php22.50 kada tablet at Php31 kada sachet.
Kapag pabalik-balik at napapadalas ang pagkakaroon ng sintomas ng heartburn, huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor at eksperto para sa mga tamang hakbang sa iyong dinaramdam.
Ano ang Iba Pang Dahilan ng Pananakit o Paninikip ng Dibdib?
May mga pagkakataon na ang pananakit o paninikip ng dibdib ay hindi konektado sa kaso ng heartburn. Narito ang iba pang mga maaaring sanhi nito:
- Muscle strain: Ang mga taong kulang sa ehersisyo o nasobrahan sa paggawa ng katawan ay maaaring makaramdam nito. Nangyayari ito dahil nabigla ang muscles sa dibdib.
- Injuries sa ribs o tadyang: Kapag nabugbog o nabali ang tadyang ng isang tao, maaari itong magdulot ng pananakit sa dibdib bukod pa sa sakit na nararanasan sa apektadong bahagi ng katawan.
- Psychological issues: Kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng panic attack, anxiety, o malubhang stress, maaaring sumakit o sumikip ang kanilang dibdib dahil naglalabas ang katawan ng mga hormones na nagdudulot ng mga nasabing sintomas.
- Asthma: Ang mga taong may asthma ay mayroong long-term inflammation sa kanilang mga baga na siyang maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng pag-ubo at kahirapan sa paghinga. Kadalasan, nararamdaman ang pananakit o paninikip ng dibdib pagkatapos ng isang “asthma attack.”
- Sakit na nakakaapekto sa puso: Ang mga taong may sakit na nakakaapekto sa paggana ng puso ay kadalasang nakakaramdam ng pananakit ng dibdib. Halimbawa, sumisikip o nananakit ang dibdib ng mga taong may angina o inaatake sa puso dahil barado ang daluyan ng dugo papunta sa puso. Kailangan kasi ang dugo upang makagawa ng oxygen at kapag hindi sapat ang supply na nakukuha ng puso, nahihirapang huminga ang isang tao.
Huwag hayaang lumala pa ang pananakit o paninikip ng dibdib, konektado man ito sa heartburn o hindi. Kumonsulta sa isang doktor upang malaman ang sanhi ng mga sintomas na iyong nararamdaman at ang mabisang paraan upang maagapan ito.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Code: U0246P050626K
