Tiyak na pamilyar sa iilan ang pakiramdam ng heartburn. Kadalasan itong nagdudulot ng sakit o pangangasim sa tiyan, acid reflux (kung saan umaakyat pabalik sa lalamunan ang acid mula sa tiyan), pagduduwal, at mainit o burning sensation sa dibdib at lalamunan.
Maraming Pilipino ang nakakaranas ng heartburn lalo na pagkatapos kumain ng mamantika at maanghang na pagkain, uminom ng kape, o mabusog sa handaan. Bagama’t nakakaabala nga ito sa pang-araw-araw na gawain, tandaan na may mga gamot na aaksyon sa sintomas ng heartburn. Narito ang ilang mga frequently asked questions (FAQs) na magbibigay-linaw sa iyong mga concerns tungkol sa heartburn at acid reflux.
#1: Magkapareho ba ang acid reflux at heartburn?
Kadalasang naiisip ng mga tao na pareho lang ang “heartburn” at “acid reflux,” pero magkaiba ang mga ito. Kapag may acid reflux ang isang tao, umaakyat ang acid mula sa tiyan patungo sa esophagus (isang tubo na nagdudugtong sa lalamunan at tiyan). Nagdudulot ito ng pakiramdam ng kirot at init, na siyang tinatawag na heartburn. Bukod sa nabanggit na sintomas, maaari ring maramdaman ang mga sumusunod:
Mapait o maasim na lasa sa bibig
- Pagduduwal
- Mabigat na sikmura o pangangasim
- Paminsan-minsang ubo o pamamaos
Para guminhawa ang pakiramdam, maaaring makatulong ang pag-inom ng gamot para sa heartburn at acid reflux.
#2: Hindi naman ako nagkakaroon ng heartburn dati, pero bakit nangyayari na ito ngayon?
Kapag hindi ka naman nagkakaroon ng heartburn dati pero mas napapansin ngayon, huwag mabahala dahil normal ito. May ilang mga dahilan kasi kung bakit ito nangyayari:
- Edad:Habang tumatanda ang tao, humihina ang kakayahan ng lower esophageal sphincter (LES). Ito’y isang muscle na nasa gitna ng lalamunan at tiyan na pumipigil sa pag-akyat ng stomach acid patungo sa lalamunan. Dahil dito, lumalaki ang posibilidad na makaranas ka ng heartburn at acid reflux.
- Lifestyle habits: Naninigarilyo ka ba o madalas uminom ng alak? Kung oo, ang mga lifestyle habits na ito ay maaaring magpataas ng risk para sa heartburn at acid reflux.
- Pagkain: Isang pangunahing dahilan ng mga kaso ng heartburn at acid reflux ay ang mga pagkaing maanghang, mamantika, o maraming taba.
- Paghiga pagkatapos kumain: Mas malaki ang posibilidad ng acid reflux ng mga taong dumidiretso sa paghiga, lalo na kapag wala pang tatlong oras mula sa huling meal.
Ang magandang balita? May mga gamot na makakatulong para maagapan ang heartburn at acid reflux, tulad ng mga antacid. Kailangan lang uminom ng tamang gamot kapag nararanasan na ang heartburn at acid reflux.
#3: May mga pagkain bang nagdudulot ng heartburn at acid reflux?
Oo, may mga pagkain at inumin na pwedeng magdulot ng heartburn at acid reflux. Maaaring hindi sila mismo ang dahilan ng mga health issues na nabanggit, pero may mga pagkain at inumin na nagpapa-“relax” sa LES (lower esophageal sphincter) na nagiging sanhi ng pag-akyat ng stomach acid patungo sa lalamunan.
Narito ang ilang mga pagkain at inumin na dapat bantayan o iwasan:
- Tsokolate
- Mint
- Bawang at sibuyas
- Kape at alak
- Pagkaing mamantika o maraming taba (matagal din itong tunawin ng tiyan kaya mas matatagalan ang pananatili ng mga ito sa tiyan)
#4: Ano ang pwedeng gamot sa heartburn at acid reflux?
Kapag umatake ang heartburn, huwag kabahan! May mga gamot sa heartburn at acid reflux tulad ng over-the-counter antacids. Ang mga ito ay nakakatulong para ma-neutralize ang acid at mawala ang sakit.
But not all antacids are made equal! Here’s why Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S® Advance) and Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S® Cool Relief) can help give you relief for heartburn symptoms.
● Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S® Advance)
○ Unlike other antacids, hindi lang nito ninu-neutralize ang acid. With its famotidine ingredient, binabawasan din nito ang paggawa ng gastric acids sa tiyan.
○ Meron din itong calcium carbonate at magnesium hydroxide para ma-neutralize ang existing acid.
○ Ang resulta: Mabilis na ginhawa at all-day relief mula sa heartburn. Acts in as fast as 3 minutes and relief lasts up to 12 hours
○ Comes in a chewable tablet format
● Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S® Cool Relief)
○ May Sodium Alginate na bumabalot sa loob ng tiyan para pigilan ang pag-akyat ng acid.
○ May sodium bicarbonate at calcium carbonate to neutralize stomach acid
○ Acts in as fast as 1 minute
○ Available in peppermint flav
Ang conclusion?
Heartburn is a common condition na pwedeng maranasan ng kahit sino. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mo itong tiisin. Maraming acid reflux remedy na simple at makakatulong na makapagpawala ng kirot — gaya ng Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S® Advance) at Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S® Cool Relief).
Laging magbaon ng gamot at ugaliin ang healthy habits para kahit umatake ang heartburn, handa ka. Tandaan, ang kaunting pag-iingat at tamang gamot ay malaking tulong na para ma-enjoy ang araw nang walang sagabal sa sikmura!
Mabibili ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) at Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) online at sa mga pinagkakatiwalaang drugstores nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php22.50 kada tablet at Php31 kada sachet.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference Code: U0210P052926K
```
