Ang sarap talaga kumain ng maaanghang na pagkain tapos sasabayan mo pa ng malamig na softdrinks. Talaga namang nakakabusog at refreshing sa pakiramdam. Panalo ang tanghalian! Kaya lang, minsan, bigla ka na lang makakaramdam ng init sa dibdib at acid na umaakyat mula sa tiyan hanggang sa lalamunan. Parang acid na malala! Baka heartburn at acid reflux yang nararamdaman mo. Bago mag-panic, importante munang alamin ang mga sintomas nito. Patuloy na magbasa para malaman kung paano mapipigilan ito.
Ano Nga Ba ang Heartburn?
Ang heartburn ay ang burning sensation na nararamdaman sa gitna ng dibdib. Minsan umaabot pa ito sa lalamunan.1 Pero relax, hindi ito galing sa puso.
Nangyayari ang heartburn kapag umaakyat ang asido mula sa tiyan papunta sa esophagus (kung saan dumadaan ang pagkain papuntang tiyan). Ang prosesong ito ay kilala bilang acid reflux.
Anu-Ano ang mga Sintomas ng Heartburn?
Heartburn ba ang nararamdaman mo? Heto ang ilang mga sintomas nito:
Sakit o Pananakit ng tiyan
Acid Reflux o Acid na Umaakyat mula sa tiyan
Mainit na pakiramdam sa dibdib
Maasim o Mapait na lasa sa bibig
Naduduwal Paulit-ulit na Ubo o Sinok
Paos na boses
Ano ang Karaniwang Sanhi ng Heartburn?
Dala ba ng diet o lifestyle ang heartburn mo? Heto ang ilang common triggers:
● Maaanghang na mga Pagkain
● Sobrang Pagkain
● Stress
● Smoking
● Paghiga o Pagyuko Pagkatapos Kumain
● Labis na katabaan
Di sigurado kung heartburn ang nararamdaman? Kung palagi kang nakakaramdam ng pananakit ng tiyan at mainit na pakiramdam sa dibdib, malaki ang tsansa na heartburn nga ang dahilan.
Paano I-Manage ang Mga Sintomas ng Heartburn?
Pagdating sa heartburn at acid reflux, ang pinaka-simple at madaling solusyon ay ang pag-inom ng over-the-counter antacid:
Ang antacid ay isang uri ng gamot na tumutulong i-neutralize o kontrahin ang acid sa tiyan. Mayroong mga antacid tulad ng Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) in chewable tablet na tumatalab sa loob ng 3 minuto at kayang magbigay ng ginhawa hanggang 12 oras.
Maaari ring subukan ang Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) in liquid format na tumatalab sa loob ng 1 minuto at masarap ang lasa dahil sa peppermint flavor.
Bukod sa pag-inom ng antacid, heto ang iba pang mga maaaring gawin upang mapawi ang mga sintomas ng heartburn
1. Alagaan ang iyong timbang.
2. Magkaroon ng balanseng diet.
3. Iwasan ang paghiga pagkatapos kumain.
4. Kapag kailangan humiga, i-elevate ang taas na bahagi ng katawan mula sa bewang pataas.
5. Iwasan ang labis na pag-iisip ng mga problema para hindi ka ma-stress.
6. Limitahan o iwasan ang mga pagkain na maaaring mag-trigger ng heartburn gaya ng carbonated sodas, alcohol, caffeinated na inumin, pati na rin ang acidic at maanghang na pagkain.
7. Iwasan ang mga pagkain sa gabi o pigilin ang pagkain sa loob ng 2 hanggang 3 oras bago matulog.
8. Iwasan ang pagsusuot ng masikip na damit na nagbibigay ng sobrang pressure sa iyong baywang.
9. Huwag uminom o manigarilyo.
Key Takeaways
Ang heartburn at acid reflux ay maaaring lunasan sa tulong ng over-the-counter na mga antacid na maaaring tumalab sa loob ng 3 minuto at tumagal ng hanggang 12 oras. Gayunpaman, kapag ito ay nagiging mas madalas. O, di kaya ay nakakasagabal sa iyong pang-araw-araw na gawain, mainam na magpasuri kaagad sa doktor. Maaaring ito ay sintomas na ng mas malalang kondisyon If symptoms persist, consult your doctor.
ASC No. U0199P043026K
