Bagamat nais natin itong maiwasan, posibleng lagnatin ang mga sanggol o bata dahil sa iba’t ibang sanhi tulad ng bacterial at viral infections, pagpapabakuna (vaccination), at overheating ng katawan.
Nakakadurog ng puso ang makitang dumaranas ng lagnat o ibang sintomas ng sakit ang iyong mga anak, lalo na ang mga sanggol. Pero kung may positibong “takeaway” mula sa mga sitwasyong katulad nito, ito ay may mga paraan naman para maibsan ang sakit na nararamdaman nila.
Iwasan ang labis na stress at pagkabahala na maaari mong naranasan dahil sa lagnat ng baby o bata. Alalahanin ang mga tips na ito na tutulong sa pag-agap ng lagnat o iba pang mga sintomas ng sakit para manumbalik ang sigla at saya ng baby o bata.
Tip #1: Siguraduhing presko ang kanilang damit at kapaligiran.
Pagkatapos paliguan ang mga sanggol, tuyuin agad ang katawan nila at bihisan ng damit na presko sa katawan. Kung mayroon silang sleep sack o wearable blanket, pwede mong isuot sa kanila ito.
Ngunit tandaan din na kapag masyadong makapal ang damit, maaari itong makadistorbo sa natural na proseso ng “cooling down” ng kanilang katawan. Bukod dito, maaari din itong maging sanhi ng pagtaas ng temperatura ng katawan.
Bukod sa kanilang damit, siguraduhing presko rin ang kuwarto na kanilang tutulugan. Kung kinakailangan, buksan ang aircon o itapat ang electric fan sa kanila. Makakatulong ito sa pagpapababa ng posibilidad ng pagtaas ng temperatura ng kanilang katawan.
Tip #2: Bigyan ng “extra fluids” ang may sakit.
Painumin ng breastmilk o gatas ang mga sanggol under 1 year old. Sa mga batang maysakit na 1 year old pataas, bigyan sila ng tubig, fruit juice, o electrolyte drink na pwede sa kanila. Maaari din silang bigyan ng flavored gelatin o frozen popsicles.
Mahalaga ang pagbibigay ng fluids sa mga batang may sakit. Tutulong ang mga ito sa pag-iwas sa mga kaso ng dehydration na pwedeng magpalala sa lagnat o sakit.
Tip #3: Paliguan sila gamit ang maligamgam na tubig. Para makatulong sa pagbigay ng maginhawang pakiramdam sa mga bata, sila ay paliguan gamit ang maligamgam na tubig. Gumamit ng isang wash cloth, basahan, o sponge para mabanlawan ang may sakit.
Iwasan ang paggamit ng malamig na tubig dahil baka manginig ang sanggol at maging sanhi ng biglaang pagtaas ng body temperature.
Tip #4: Tanungin ang pediatrician o doktor tungkol sa gamot para sa lagnat ng baby o bata.
Hinihikayat ng mga eksperto ang pagbibigay ng nararapat na gamot sa mga baby o batang may lagnat, tulad ng Paracetamol (Biogesic®) for Kids. Mabibili ito bilang drops para sa mga sanggol o syrup para sa mga batang 1 to 12 years old.
Ito ay may Paracetamol na tutulong sa pagpapababa ng lagnat, at pag-agap ng mga minor aches at pains na dulot ng sipon, trangkaso, sakit ng ulo, sakit ng lalamunan, at toothache.
Formulated rin ito with unique TasteRite® Technology na tumutulong sa pagbawas ng mapait na lasa na kadalasang konektado sa mga gamot. Dahil dito, mapapadali ang pagbibigay ng gamot sa kanila dahil mas nalalasahan nila ang masarap na melon o orange flavor.
Painumin ang mga baby o bata ng Paracetamol (Biogesic®) for Kids orally kada apat (4) hanggang 6 na oras, pero di hihigit sa 5 beses sa loob ng 24 oras o ayun sa direksyon ng doktor.
Ang suggested use ng Paracetamol (Biogesic®) for Kids ay magdedepende sa kanilang kasulukyang timbang: 10 mg bawat kilogram ng body weight. Tanungin ang pediatrician o doktor ng bata para malaman ang sapat na dami ng gamot na dapat niyang inumin.
Ang Paracetamol (Biogesic®) for Kids ay mabibili online at sa mga leading drugstores nationwide.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Ref. No. U0179P072924B
References:
How to Safely Bring Down a Fever in a Baby
Fever: Home Treatment and When To See a Doctor
What to Do About a Fever (High Temperature)
When your baby or infant has a fever