fbpixel
BFK Banner
Bakit Nilalagnat ang Mga Bata Pagkatapos Mabakunahan?

General

Bakit Nilalagnat ang Mga Bata Pagkatapos Mabakunahan?

Ang mga bata ay maaaring makaranas ng lagnat pagkatapos ng mga mahahalagang bakuna - alamin kung bakit ito nangyayari at paano aaksyunan.


Ang bakuna para sa mga baby at bata ay mahalaga para sa pagpapatibay ng resistensya nila laban sa mga sakit.

Pero bagamat mahalaga ang papel ng mga ito sa kalusugan ng iyong mga anak, may mga hesitasyon tungkol sa mga ito dahil napapansin ang mga “side effects” tulad ng lagnat.

Huwag mag-alala: Alam mo ba na normal ang lagnat pagkatapos mabakunahan ng mga bata? Siyasatin kung bakit ito nangyayari sa tulong ng gabay na ito, at alamin kung paano ito maagapan agad.

Ano ang Sanhi ng Lagnat Pagkatapos ang Bakuna?
Para malaman kung bakit nilalagnat ang mga bata pagkatapos mabakunahan, importanteng tingnan ang komposisyon ng mga bakuna.

Ang mga bakuna ay may mga pinahinang microorganisms na responsable para sa isang partikular na sakit. Pagkatapos mabakunahan, “pumapasok” ang mga ito sa katawan, na siyang nagiging senyales ng immune system para bumuo ng mga antibodies. Ang mga antibodies na ito ay tutulong sa pagdepensa ng katawan kung sakaling ma-expose ang mga bata sa sakit.

Dahil sa immune response na nabanggit, puwede itong magdulot ng mga “side effects” o sintomas tulad ng mild fever, at pamamaga o pamumula sa vaccination site. Hindi ka dapat maabahala sa mga sintomas na ito dahil:

  • Senyales ito na gumagana ang bakuna sa katawan at patuloy ang paggawa ng antibodies.
  • Kapag tumaas ang temperatura ng katawan dahil sa lagnat, hindi ito nagiging kaaya-ayang “host” para sa mga germs at tumutulong sa pagbawas ng kakayahan ng mga ito na dumami sa katawan.
  • Ang mataas na temperatura ng katawan ay nagiging dahilan ng pag-”activate” ng mga signaling chemicals na tutulong sa mas mabuting immune responses.

Bantayan ang Bata Kung Sakaling Magpapabakuna
Ang sintomas tulad ng lagnat ay maaaring mapansin sa loob ng 12 hours pagkatapos mabakunahan ng mga bata. May mga pagkakataon din na ang lagnat at pamumula ng vaccination site ay mararanasan isa o dalawang araw pagkatapos ng pagbabakuna.

Ang mabuting balita, ang karamihan ng mga sintomas na ito ay tatagal lang ng dalawa o tatlong araw.

Pero mahalagang tandaan: Hindi lahat ng batang mababakunahan ay magkakaroon ng lagnat pagkatapos nito. Iba-iba ang katawan ng mga bata at mga reaksyon nito pagdating sa bakuna.

Paano Agapan ang Lagnat Pagkatapos ng Pagbakakuna?
May mga paraan para maibsan ang lagnat ng mga bata pagkatapos mabakunahan.

Una, siguraduhing nakakainom sila nga mga fluids para maiwasan ang dehydration na maaaring magpalala ng sakit.

Pangalawa, pwede ring maglagay ng heating pad, warm compress, o warm washcloth sa vaccination site for 10 minutes kung masakit o namamaga ito.

Higit sa lahat, pwedeng-pwede mo rin tanungin ang isang pediatrician o doktor tungkol sa benefits ng gamot tulad ng Paracetamol (Biogesic®) for Kids. Mayroon itong Paracetamol na tutulong sa pagpapababa ng lagnat sa mga bata, at paglunas ng mga minor aches at pains sa katawan na dulot ng sipon, trangkaso, sakit ng ulo, at iba pa.

Ang Paracetamol (Biogesic®) for Kids, na available bilang drops para sa mga sanggol at syrup para sa mga batang edad 1 hanggang 12 years old, ay may TasteRite® Technology na tutulong sa pagbawas ng mapait na lasa ng gamot. Dahil dito, mas malalasahan ng mga bata ang masarap na orange o melon flavors at mapapadali ang kanilang pag-inom nito.

Painumin ang gamot na ito kada apat (4) na oras, pero di lalagpas sa 5 beses sa loob ng 24 oras orally, as needed depende sa sakit o lagnat, o ayun sa direksyon ng doktor.

Ang tamang dose ay 10 mg ng paracetamol sa bawat kilo ng kasalukuyang timbang ng bata. Huwag kalimutang tanungin ang pediatrician o doktor ng bata tungkol sa dami ng gamot na dapat nilang inumin.

Ang Paracetamol (Biogesic®) for Kids ay mabibili online at sa mga leading drugstores nationwide.

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Ref. No. U0187P072924B

References:
Why Childhood Immunizations Are Important
Vaccine Safety: Fever and Vaccines
Immunization Reactions

Was this article helpful?

Related Products