fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Revicon 2023
Alamin bakit importante ang multivitamins para sa katawan.

Multivitamins, Minerals at Amino Acids: Kasangga Mo sa Pagpapalakas ng Katawan

Alamin kung paano makakatulong ang multivitamins, minerals, at amino acids sa pagpapalakas ng katawan. Basahin dito ang kanilang mga benefits sa iyong physical health.


Gusto mo bang manatiling malakas at kundisyon ang iyong katawan? May iba’t ibang paraan para makamit ito. Kasama na diyan ang pagsunod sa healthy diet at madalas na pag-ehersisyo.

Pero alam mo ba na may isa pang mahalagang kailangan para makatulong sa tuloy-tuloy na pagku-kundisyon ng iyong katawan? Tulad na lamang ng pag-inom ng multivitamin supplements na dapat may Amino Acids, Calcium, at Magnesium.

Makakatulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong kalusugan at pagpapalakas ng katawan.

Basahin ang gabay na ito para malaman ang mga benefits ng pag-inom ng multivitamin supplements para makundisyon ang katawan. Bukod dito, alamin ang mga vitamins, minerals, at nutrients na maaaring tumulong para sagad ang kondisyon at lakas ng katawan para sa araw-araw na gawain.

Bakit Mahalaga ang Multivitamin Supplements Para sa Katawan?
Sa mga matagal nang nagpapakundisyon ng katawan, ang pag-inom ng supplements ay nakasanayan na. Kadalasang iniinom ang mga supplement na ito para:

  • Maihanda ang performance ng katawan pagdating sa pag-eehersisyo
  • Madagdagan ang energy, endurance, at dami ng oxygen na magagamit ng katawan habang nag-eehersisyo
  • Bawasan ang risk sa mga injuries
  • Siguraduhin ang recovery pagkatapos ng pag-eehersisyo

Kailangang kundisyon ang katawan para kayanin ang araw-araw na gawain at mga pisikal na trabahong ating hinaharap. Ang pag-inom ng multivitamin supplements ay makakatulong sa iyong kalusugan kaya kailangang tuloy-tuloy ang paggamit nito. Konektado kasi ang multivitamin supplements sa iba’t ibang health benefits tulad ng:

  • Pagpapalakas at pagpapatibay ng mga joints, muscles, at buto na kailangan para sa pag-ehersisyo at pag-kundisyon ng katawan
  • Pagpapanatili ng overall health at lakas ng katawan
  • Pagpapataas ng daily nutrient intake ng isang tao, lalo na ng mga vitamins, minerals, at iba pang nutrients na maaaring hindi makuha mula sa daily diet
  • Pagpapababa ng risk para sa mga nutrient deficiency na pwedeng magdulot ng mga health issue at di kanais-nais na sintomas

Halimbawa ng mga nutrients na kadalasang isinasama sa mga multivitamin supplement ay ang mga sumusunod:

  • Vitamin A: Sumusuporta sa growth at paghilom (repair) ng mga tissue sa katawan
  • Vitamin C: Tumutulong sa paggawa ng collagen na mahalaga para sa paggawa ng buto at pag-absorb ng iron, gumagana bilang antioxidant, at pinapalakas ang katawan laban sa mga infection
  • Vitamin D: Tumutulong sa paggawa at pagpapatibay ng buto, at pag-regulate ng absorption ng calcium at phosphorus na kailangan para mapatibay ang mga buto
  • Calcium: Tumutulong sa muscle contraction at glycogen metabolism at pagpapalakas ng buto
  • Iron: Kinakailangan para sa mga protein na nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagsasagawa ng muscle contraction, at tumutulong sa tamang paggamit ng enerhiya sa katawan.

Maaari mang maging kaagapay ang mga multivitamin supplements sa pagkukundisyon ng katawan, tandaan na hindi sila substitute para sa mga masustansyang pagkain at madalas na pag-eehersisyo.

Palakasin ang Katawan sa Tulong ng Multivitamins na Ito
Para masuportahan ang pagkukundisyon ng katawan, subukan ang multivitamin formula na siksik sa mga nutrients na makakabuti sa kalusugan! Kung kundisyon na katawan at kalusugan ang hanap, tanungin ang doktor tungkol sa Multivitamins + Minerals + Amino Acids (Revicon® Forte).

Ang multivitamin na ito ay may mga vitamins, minerals, at amino acids na makakatulong sa pagpapalakas ng katawan habang ikaw ay nag-eehersisyo. Kasama ng tamang diet at exercise, maaari mong makuha ang mga health benefits na konektado sa mga nutrients na makikita sa multivitamin na ito:

  • B-Complex Vitamins: Ang grupong ito, na kinabibilangan ng vitamins B1, B2, B6, B12, Nicotinamide, at Calcium Pantothenate, ay tumutulong sa pag-convert ng pagkain patungong enerhiya na gagamitin ng iyong katawan. Dahil dito, dumadami ang supply ng energy sa katawan para maisagawa ang mga workout at mapabuti ang mga proseso tulad ng paghinga, digestion, at immune system response.
  • Iron: Ang mineral na ito ay cofactor ng mga enzymes na kinakailangan sa paggawa ng enerhiya.
  • Vitamin D, Calcium, Magnesium, Manganese, Potassium: Ang kombinasyon ng mga nutrients na ito ay konektado sa iba’t ibang benefits. Halimbawa, makakatulong sa pagpapatibay ng buto ang calcium, vitamin D, magnesium, at manganese. Sa kabilang dako, tutulong sa regulation ng muscle contraction at nerve impulses ang potassium, magnesium, manganese, at calcium.
  • Methionine at Lysine: Ang mga essential amino acids na ito ay mahalaga sa pagbuo ng muscle tissues.

Ang suggested use ng Multivitamins + Minerals + Amino Acids (Revicon® Forte) ay one (1) tablet orally daily, or as recommended by your doctor.

Available ang Multivitamins + Minerals + Amino Acids (Revicon® Forte) online at sa mga leading drugstores nationwide at a suggested retail price (SRP) of Php5.50 per tablet.

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Reference No. U0023P112924R

References:

Multivitamin/mineral Supplements
Dietary Supplements for Exercise and Athletic Performance
Calcium: What You Should Know
©2007, Biscontini: ”Alive & Well: Millennium Nutrition ...

Was this article helpful?

Related Products