Baka hindi na simpleng sipon ‘yan!
Karaniwan, iniisip natin na ang sipon ay kusang mawawala. Pero kung pababayaan, may posibilidad na lumala ang mga sintomas at makaapekto sa ginhawa araw-araw.
Mga Sanhi
Alam mo ba na may mahigit 200 klase ng viruses na pwedeng magdulot ng sintomas ng sipon at baradong ilong? Ayon sa Mayo Clinic, isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ang baradong ilong at sakit ng ulot dulot ng sipon ay ang rhinovirus. Madali itong kumalat sa pamamagitan ng hand-to-hand contact.
Ito ay ilan lamang sa mga sintomas na pwede mong maranasan:
- Baradong ilong
- Sakit ng ulo
- Pag-ubo
- Makati na lalamunan
- Yellowish/Green na sipon
- Pananakit ng katawan
- Pagbahing
- Mababang sinat
Sipon paglipas ng COVID-19
Ayon sa mga eksperto, matapos ang COVID-19 pandemic, maaaring hindi na natin gaanong napapansin ang epekto ng sipon o common cold sa pang-araw-araw na ginhawa. Bukod sa karaniwang sintomas, may ilang pagkakataon na maaaring maranasan ang:
- Mataas na lagnat
- Pananakit ng katawan
- Paninikip o hindi komportableng pakiramdam sa dibdib
Kapag hindi naagapan ang mga sintomas, posible rin itong humantong sa ibang kondisyon gaya ng impeksyon sa tenga o sinuses.
Ano ang malakas na gamot para sa sipon?
Bago pa lumala ang sintomas ng sipon, dapat maging handa. Piliin ang Phenylpropanolamine hydrochloride + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Decolgen Forte)! Ito ang pinakamalakas naming gamot para sa sipon (vs other Decolgen formulations).
Ang Phenylpropanolamine hydrochloride + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Decolgen Forte) ay scientifically formulated para makatulong sa baradong ilong at sakit ng ulo.
Phenylpropanolamine HCl
Isang decongestant na mas malakas at mas mabilis tumalab—works in as fast as 15 minutes. MAX maluwag ang paghinga at MAX mahaba ang ginhawa, with relief that lasts up to 6 hours vs PE-based OTC in the Philippines.
Chlorphenamine Maleate
Isang anti-histamine na tumutulong sa pag-ginhawa ng pagbahing.
Paracetamol
Pinapaginhawa ang sakit ng ulo at tumutulong sa pagbaba ng lagnat.
Kaya pagdating sa baradong ilong at sakit ng ulo, dito ka na sa Phenylpropanolamine hydrochloride + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Decolgen Forte)! Pumunta lang sa malapit na botika o i-visit ang online stores para mag-order.
Ibang paraan para maiwasan ang sipon
Madalas, hindi na kailangang magpatingin sa doktor kapag nakakaranas ng baradong ilong at sakit ng ulo, ngunit mas mabuti pa rin na manatili sa bahay at magpahinga para mas mabilis ang paggaling. Para iwas hawa, subukan mong gawin ang mga simpleng hakbang na ‘to:
- Iwasan muna ang paggamit ng kubyertos ng ibang tao—mas mabuting may sarili kang kutsara, tinidor, plato, at baso.
- Ugaliing maghugas ng kamay, lalo na kung galing sa labas o may nakasalamuha kang maraming tao.
- Linisin o i-disinfect agad ang mga gamit gamit ang alcohol kapag dumating ka sa bahay.
- Takpan ang bibig kapag babahing o uubo—pwedeng tissue o manggas.
Kung sakaling mahawa, uminom ng maraming tubig at itapon nang maayos ang mga ginamit na tissue.
IF SYMPTOMS PERSIST, CONSULT YOUR DOCTOR.
ASC REF. NO. U0181P061125D
References:
https://www.everydayhealth.com/cold-flu/common-mistakes-that-prolong-sickness/
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/symptoms-causes/syc-20351605
https://abcnews.go.com/Health/common-cold-symptoms-worse-pandemic/story?id=96949148