fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Banner 2025
Sabay na Sakit ng Ulo at Sipon? Baka Flu na 'Yan

Flu Signs and Symptoms

Sabay na Sakit ng Ulo at Sipon? Baka Flu na 'Yan

Hindi mo namamalayan, pero ang sakit ng ulo at sipon na nararamdaman, kapag nagsabay, ay posibleng senyales na ng flu. Alamin kung paano agapan ang mga ito bago lumala pa.


Kapag bigla kang nakaranas ng sakit ng ulo o sipon, siguradong ito’y nakakapanghina at mararamdaman mong mahirap matapos ang mga kailangan mong gawin.

Pero kung nagsabay ang dalawang ito? Baka dito na tayo mahirapan at maabala. May mga pagkakataon kasi na ang sabay na sakit ng ulo at sipon ay nagpapahiwatig ng sakit na kailangan agapan kaagad, tulad ng flu o trangkaso. 

Ang kombinasyong ito ay maaaring maging sagabal sa iyong araw — sa bahay, opisina, o eskwelahan. Alamin kung bakit ang sabay na sakit ng ulo na may kasamang sipon ay madalas magsabay, ano ang mga sintomas na ito, paano sila nagkakaiba, at kung paano maiiwasan o malulunasan ang mga ito bago lumala ang sitwasyon. 

Bakit Nagsasabay ang Sakit ng Ulo at Sipon Kapag May Flu? 
May mga taong nakakaranas ng sakit ng ulo at sipon habang may trangkaso dahil sa inflammation o pamamaga na nangyayari sa katawan. Nagsisimula ito kapag pumasok ang flu virus sa katawan na maaaring makuha sa paglanghap ng hangin o paghawak ng surfaces na may bakas ng virus. 

Kapag natukoy ng immune system ang virus, nagpapakawala ito ng antibodies, isang grupo ng mga protein na lumalaban sa flu virus. 

Ang pagdami ng antibodies sa katawan ay pwedeng magdulot ng inflammation. Bagama’t nakakatulong ito sa paglaban sa flu virus, nagiging sanhi naman ito ng pamamaga, pag-init, at pagsakit ng katawan. Sa kalaunan, maaari nang maramdaman ang pagsisimula ng sakit ng ulo at sipon. 

Isa sa mga parte ng katawan na labis na naapektuhan ng inflammation ay ang mucous membranes na matatagpuan sa ilong at nakalinya sa mga nasal at sinus cavities. 

Dahil sa inflammation, namamaga ang mga membrane na ito at may pressure na mamumuo sa paligid ng mata at mukha, na maaaring dahilan ng pagsakit ng ulo o minsan ay pag-usbong ng sipon.

Paano Mo Masasabi na May Trangkaso Ka at Hindi Ordinaryong Sakit? 
Magandang tanong iyan. Ang isang tao ay kinokonsiderang may flu o trangkaso kapag nararanasan niya ang dalawa o mahigit pang sintomas. Dahil dito, kung sakaling sumabay ang sakit ng ulo at sipon, maaaring may trangkaso na isang tao. 
Bukod sa dalawang sintomas na nabanggit, pwede ring sumabay ang iba pang kilalang mga sintomas ng trangkaso, tulad ng: 

  • Lagnat 
  • Bigat ng katawan 
  • Makating lalamunan (sore throat) 
  • Sipon 
  • Ubo na konektado sa postnasal drip 

Flu o Ordinaryong Sipon? Ano ang Pagkakaiba? 
Kung hindi ka sigurado kung flu o simpleng sipon ang nararanasan mo, suriin mo kung may matinding pagkapagod (tiredness o fatigue) o paghina (weakness). 

Ang isang taong may flu o trangkaso ay kadalasang dumaranas ng matinding pagod sa mga unang araw ng sakit. Humihina rin ang katawan nila at pwede pa itong magtagal ng dalawa hanggang tatlong linggo. Sa kabilang dako naman, ang mga taong may ordinaryong sipon ay kadalasang hindi nakakaranas ng matinding pagod o paghina. 

Gaano Kabilis ang Paggaling ng Taong May Trangkaso? 
Ang mga taong nakaranas ng sintomas ng trangkaso tulad ng sakit ng ulo at sipon ay maaaring gumaling sa loob ng ilang araw hanggang sa dalawang linggo. 

Mahalaga ang agarang pag-aksyon sa sakit ng ulo at sipon sa mga taong may trangkaso. Sa kasamaang palad, may mga komplikasyong konektado sa mga sintomas na malala at maaaring maging banta sa buhay. Halimbawa ng mga ito ang sinusitis, bronchitis, ear infection, at pneumonia.

Kaya kung sakaling tumagal ang mga sintomas na nabanggit, kumunsulta agad sa isang doktor para maaksyunan ang sakit na nararamdaman mo. 

Ano ang Posibleng Gamot sa Sabay na Sakit ng Ulo at Sipon? 
Hiwalay man o sabay mong nararanasan ang sakit ng ulo at sipon, huwag mag-alinlangan. Uminom kaagad ng gamot na lalaban sa sakit ng ulo at sipon, tulad ng Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Bioflu® Tablet). Binubuo ito ng mga ingredients na makakatulong sa pag-agap ng sintomas: 

  • Phenylephrine HCl: Isa itong decongestant na tutulong sa pagtanggal ng bara at maga sa loob ng daanan sa ilong at sinuses, pagpapabuti ng daloy ng hangin sa loob nito, pagpapadali ng paghinga, at pagbawas ng postnasal drip na maaaring magdulot ng ubo. 
  • Chlorphenamine Maleate: Bilang antihistamine, tutulong ito sa pag-agap ng sintomas ng allergies tulad ng runny nose, pagbahin (sneezing), at makati at nagluluhang mata. 
  • Paracetamol: Makakatulong ito sa pagpapababa ng temperatura ng katawan kapag may lagnat at pagpapaginhawa sa sakit ng ulo at katawan. 

Dahil sa #KayaAll sintomas ng flu formula na ito, pwedeng-pwede rin itong inumin ng mga taong nakakaranas ng lagnat, sakit ng katawan, makating lalamunan, sipon, at ubo na konektado sa postnasal drip na pwede ring sumabay sa sakit ng ulo at sipon. 

Ang suggested use ng Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Bioflu® Tablet) ay isang (1) tablet kada anim (6) na oras, o ayon sa rekomendasyon ng doktor. Mabibili ang gamot na ito online o sa leading drugstores nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php8.50 kada tableta. 

​​If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Reference Code: U0236P071525B

References:
https://www.cdc.gov/flu/signs-symptoms/index.html 
https://www.verywellhealth.com/a-day-by-day-look-at-the-flu-770511 
https://www.verywellhealth.com/flu-symptoms-770514 
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acute-sinusitis/symptoms-causes/syc-20351671
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/flu/symptoms-causes/syc-20351719 
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/symptoms-causes/syc-20351605 
https://www.webmd.com/cold-and-flu/flu-cold-symptoms 
https://www.healthline.com/health/cold-flu/how-long-does-a-cold-last 
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4335-influenza-flu 


 

Was this article helpful?

Related Products