fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Banner 2025
Gaano kataas ang tyansa mo na magkaroon trangkaso?

Flu Vaccination and Relief

Madali Ka Bang Kapitan ng Trangkaso? Alamin Dito Kung Bakit

Napansin mo ba na konting pagod lang nakakaramdam ka na agad ng mga trangkaso symptoms? Alamin dito kung anu-ano ang mga posibleng dahilan.


Mabilis kumalat ang trangkaso na dala ng influenza virus. Mabahingan ka lang o mahawakan lang ang isang kontaminadong bagay, mataas na ang tsansa mong mahawahan. Pero, alam mo ba na may mga taong mas mabilis kapitan ng sakit na ito? Kasama na rito ang mga taong madalas lumalabas, laging nasa matataong lugar, o may mga karamdaman

Gusto mo bang malaman kung ikaw o ang iyong mga mahal sa buhay ay kabilang sa kanila? Basahin ito!

Mga Taong Madaling Kapitan ng Trangkaso
Kung kabilang ka sa mga susunod, kailangan mo ng dobleng ingat laban sa trangkaso:

Mga Empleyado na Araw-araw Bumabyahe
Gaya ng nabanggit kanina, kasama sa mga madaling kapitan ng trangkaso ay ang mga empleyadong araw-araw nag-cocommute. Dahil palagi silang nasa matao at masisikip na lugar—tulad ng mga jeep, bus, MRT, at terminals—mas mataas ang posibilidad na makasalamuha nila ang taong may sakit. 

Dagdag pa rito, kahit simpleng paghawak lang nila sa poste ng bus o tren ay pwede na silang mahawa ng trangkaso, lalo na kung hindi sila madalas maghugas ng kamay. Bagama’t sinasabi ng mga pag-aaral na mas madalas sa droplets (ubo o bahing) naipapasa ang virus, may mga ebidensya rin na ang influenza ay maaaring mabuhay ng hanggang 12 oras sa ibabaw ng mga gamit.

Mga May Chronic Health Conditions
Ang mga taong may chronic health conditions tulad ng diabetes, sakit sa puso, hika, at karamdaman sa kidney, ay maaaring makaranas ng pamamaga ng katawan o inflammation tuwing sila ay trinatrangkaso.

Maaari ring lumala ang kanilang mga sakit. Halimbawa, ang mga may hika ay maaaring magka-asthma attack habang trina-trangkaso. Sa kabilang banda, ang mga may sakit sa puso ay maaaring tumaas ang panganib sa heart attack.

Mga Immunocompromised (Mahihina ang Resistensya)
Ang mga taong may AIDS, may autoimmune diseases tulad ng lupus, may kanser, at umiinom ng immunosuppressants (gamot na nakakapag-pahina ng resistensya) ay pwedeng magkaroon ng malubhang komplikasyon mula sa trangkaso. Kapag sila ay napabayaan, maaari silang magkaroon ng pneumonia, impeksyon sa sinuses, at organ failure.

Mga Health Workers 
Dahil sa madalas nilang pagharap at pag-aalaga sa mga pasyente, ang mga healthcare workers ay nasa panganib din na mahawa ng trangkaso. Dahil sa kanilang exposure sa virus, kailangan nilang maging maingat para hindi maipasa ang virus sa mga tao, lalo na sa mga matatanda, bata, at mga may chronic health conditions. 

Mga Matatanda
Kumpara sa mga bata, ang mga seniors na 65 taon pataas ay mas madalas makaranas ng komplikasyon mula sa trangkaso. Isa sa mga dahilan nito ay ang paghina ng kanilang resistensya. Dahil dito, nahihirapan ang katawan na labanan ang impeksyon sanhi ng Influenza virus.

Anu-Ano ang mga Pwede Mong Gawin?
Kung ikaw ay kabilang sa high-risk group, may mga hakbang na maaari mong gawin upang matulungang maprotektahan ang iyong sarili laban sa trangkaso:

  • Pagpapabakuna 
    Sa pamamagitan ng bakuna, nabibigyan ang iyong katawan ng kakayanang labanan ang virus bago ka pa man magkaroon ng sintomas. 
     
  • Pagiging Malinis 
    Huwag kalimutan ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at madalas na paggamit ng alcohol-based hand sanitizers. Ugaliin din na magtakip ng bibig kapag bumabahing.
     
  • Paggamit ng Over-the-Counter na Gamot
    Kung nagsisimula ka pa lang makaramdam ng mga sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, ubo, o sakit ng katawan, maaaring makatulong ang paggamit ng mga over-the-counter (OTC) na gamot para hindi na lumala ang iyong kalagayan. 

Tulong Laban Sa Mga Sintomas
Kung naghahanap ka ng tulong para sa mga sintomas ng trangkaso, subukan ang Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®)

Bawat tableta ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) ay naglalaman ng Phenylephrine HCl, Chlorphenamine Maleate, at Paracetamol.

  • Ang Phenylephrine HCl ay isang nasal decongestant na nakakatulong sa pagpapaluwag ng paghinga. Ito ay tumutulong upang bawasan ang mga bara o pamamaga ng airways sa ilong at mga sinuses. Nakakatulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng postnasal drip.
     
  • Ang Chlorphenamine Maleate naman ay isang uri ng antihistamine na tumutulong upang mapagaan ang mga sintomas ng allergy tulad ng runny nose, pagbahing, at pangangati ng mga mata.
     
  • Panghuli, ang Paracetamol ay nakakatulong sa pananakit ng katawan at sa pagpapababa ng lagnat.

Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) Dosage
Ang inirerekomendang paggamit ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) para sa mga adults at mga batang 12 taong gulang pataas ay isang (1) tablet na iniinom tuwing anim (6) na oras, o ayon sa payo ng doktor.

Ang Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) ay maaaring magsimulang umepekto sa loob ng 15 minuto.

Paunang Paalala:
Bagamat ang Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) ay nakakatulong laban sa mga sintomas ng trangkaso, mahalaga pa rin na kumonsulta sa isang doktor upang masuri ang iyong kondisyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol mga paalala at iba pang detalye tungkol sa produktong ito, bisitahin ang opisyal na pahina ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®).

If symptoms persist, consult a doctor.

References:
https://www.cdc.gov/flu/highrisk/65over.htm
https://www.cdc.gov/flu/signs-symptoms/index.html
https://www.cdc.gov/flu/highrisk/hiv.html
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/influenza-(seasonal)#:~:text=People%20at%20greater%20risk%20of,hematologic%20diseases
https://www.cdc.gov/flu/vaccines/vaccinations.html
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK459363/

Was this article helpful?

Related Products