Malaki ang papel na ginagampanan ng ating mga ngipin sa pag-nguya at pag-digest ng pagkain. Pero may mga araw na biglang sumasakit ang mga ngipin at nagiging abala sa ating mga gawain.
Alamin kung ano ang mga dapat gawin para sa mabilisang ginhawa sa sakit ng ngipin at makaiwas sa patuloy na pagsakit nito.
Mga Sintomas ng Pagsakit ng Ngipin
Ang sakit ng ngipin ay kadalasang “sharp, throbbing, or constant.” Ibig sabihin, ang sakit ay maaaring pumipintig, hindi nagbabago o nawawala kahit na hindi mo nilalagyan ng puwersa ang apektadong lugar. Sa ibang mga pagkakataon, maaari ring maramdaman o mapansin ang iba pang mga sintomas tulad ng:
- Sakit sa ngipin kapag may puwersa o pressure na inilagay sa ngipin, tulad ng pagkagat sa isang bagay at pag-nguya
- Pamamaga o swelling sa apektadong ngipin
- Mabahong amoy sa bibig o bad breath
- Nana, likido, o fluid na may hindi kanais-nais na lasa galing sa apektadong ngipin
- Lagnat at sakit ng ulo
Bakit Nga Ba Sumasakit ang Ngipin Natin?
Mahalagang alamin kung bakit ito nangyayari. Maaaring sumakit ang iyong ngipin dahil sa:
- Tooth decay o nabubulok na ngipin
- Dental abscess o nana (pus) sa loob ng ngipin
- Ngipin na may bitak (cracks) o pinsala (damage)
- Maluwag o sirang pasta
- Infection dahil sa isang ngipin (kadalasan wisdom tooth) na unti-unting umuusbong sa gilagid pero walang ispasiyo na maaaring galawan
- Infection sa gums o gilagid
- Problema dahil sa mga braces
- Paulit-ulit na paggalaw o motion tulad ng pagnguya o chewing, “grinding,” o “clenching” ng ngipin
- Pagtanggal o pagbunot ng ngipin tulad ng wisdom tooth removal
Ano ang Dapat Gawin Kapag Sumasakit ang Ngipin?
Maraming mga paraan para makatulong sa sakit ng ngipin at sa pagpigil nito. Narito ang ilang mga tips kontra sa sakit ng ngipin.
- Kumunsulta sa dentista: Pwedeng ma-solusyonan ang sakit ng ngipin kahit hindi pumunta sa dentista. Ngunit kapag nakalipas na ang dalawang araw at may nararamdaman ka pang sakit ng ngipin, nahihirapang buksan ang bibig, at nagkaroon na ng lagnat o sakit sa tenga, bumisita agad sa dentista.
Iche-checkup ang iyong ngipin at ang dahilan kung bakit ito sumasakit. Pagkatapos nito, maaaring magrekomenda ang dentista ng paraan para maagapan ang sakit.
Kahit naagapan na ang sanhi ng sakit ng ngipin, ugaliin ring bumisita sa dentista dalawang beses kada taon para sa paglilinis o cleaning sa ngipin. Makakatulong ang mga dentista sa mas pulido o “thorough” na paglilinis sa ngipin, lalo na sa mga lugar na hindi kadalasang naaabot ng regular na toothbrush.
- Practice good oral hygiene: Panatilihing malinis ang iyong bibig para makaiwas sa pagkabulok ng ngipin (tooth decay) at tuluyang pagkasira nito. Magsipilyo gamit ang fluoride toothpaste at toothbrush na may malambot na bristles dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw for one to two minutes.
Dahan-dahang magsipilyo in a circular motion, from one side to another, and up and down sa lahat ng parte ng bibig, kasama na ang iyong dila. Huwag didiinan ang ngipin habang nagsisipilyo para maiwasan ang pagkasira nito.
Pagkatapos, iwasan magmugmog. Sa halip, idura nalang ang toothpaste na nasa bibig. Huwag ring kalimutan na mag-floss isang beses kada araw.
- Bawasan ang matatamis na pagkain: Alam mo ba na ang asukal sa iyong mga pagkain ay maaaring maka-”attract” ng bacteria sa bibig? Dahil dito, pwedeng mabutas ang mga ngipin na maaaring maging sanhi ng cavities.
Para makaiwas sa pagkasira ng ngipin, umiwas sa matatamis na pagkain.
- Magmumog ng tubig na may asin (salt water): Makakatulong ang salt water sa pagluwag o pag-alis ng “debris” sa pagitan ng mga ngipin. Para itong “disinfectant” na tumutulong bawasan ang inflammation o pamamaga ng gilagid. Ihalo lang ang kalahating (1/2) kutsarita ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at gamiting pang-mumog.
- Mag-apply ng cold compress sa apektadong lugar: Mainam ito gawin laban sa pamamaga at sakit. Balutin ang yelo sa isang twalya at idampi sa lugar kung saan may sakit every 20 minutes. Pwede itong ulit-ulitin kada oras.
- Uminom ng Mefenamic Acid: Ang Mefenamic Acid ay isang uri ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Makakatulong ang gamot na ito sa pagresolba ng mild to moderate pain. Kumunsulta muna sa doktor para malaman kung anong gamot ang pwedeng inumin na makakatulong sa pagresolba ng sakit ng ngipin.
Pagdating sa Sakit ng Ngipin, Piliin Ang Mefenamic Acid (Dolfenal)
Para maibsan ang sakit ng ngipin, uminom ng No. 1 Mefenamic Acid brand (Dolfenal®). Bilis-ginhawa na subok na, Dolfenal the most doctor-prescribed Mefenamic Acid!
Ito’y may bisa sa paglaban sa sanhi ng sakit. Malaking tulong ang gamot na may Mefenamic Acid sa:
- Pag-agap ng sintomas ng inflammation tulad ng pamamaga
- Pagbibigay ginhawa laban sa matinding sakit ng ngipin o ulo, at pati na rin sa dysmenorrhea
Maaaring inumin ang gamot na ito kasabay ng pagkain o gatas kapag nakaramdam ng pananakit ng tiyan. Ang inirerekomendang dose ng Mefenamic Acid (Dolfenal®) para sa mga adults at adolescents 14 years old pataas ay isa (1) tablet kada walong (8) oras kung kinakailangan, or as prescribed by a doctor.
Iwasang inumin ang Mefenamic Acid (Dolfenal®) for more than seven (7) days unless directed by a doctor. Mabibili ang Mefenamic Acid (Dolfenal®) sa mga kilalang botika sa buong bansa.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference Code: U0371P052423D
Source: PMDI, IQVIA SOLUTIONS PHILIPPINES, INC., reprinted with permission
This certifies that the attached prescription data of brands under MEFENAMIC ACID among 700 doctors covering the period: MAT December 2024 (January 2024 – December 2024)
References:
Toothache - NHS
Toothache: Causes, Symptoms & Remedies
How Sugar Causes Cavities and Destroys Your Teeth
Mefenamic Acid: MedlinePlus Drug Information
Flossing | MouthHealthy - Oral Health Information from the ADA
What Type of Toothbrush Should I Use? | Alpha Dental
Are You Brushing Your Teeth Too Hard?
Oral Health Brighter Smile Healthier Life