Ang hirap kapag makati o masakit na lalamunan. Kung pwede lang kamutin sa labas! Mas malala pa, ang pangangati ay pwedeng maging sagabal sa simpleng pagsasalita o paglunok.
Ang tagal ng sore throat ay nag-iiba sa bawat tao. Minsan, kusa itong nawawala sa loob ng ilang araw, lalo na kung dulot ito ng sipon o allergy. Pero para sa iba, mas tumatagal ito. Oo, pwede rin namang hintayin lang na mawala ito. Pero aminin mo, hindi naman masayang tiisin ang makati at masakit na lalamunan. Nakakasira ito ng araw, ng mood, at pati ng concentration sa trabaho o kahit sa pagkain.
Buti na lang, hindi mo kailangang tiisin ang sakit. May mga science-backed remedies na makakatulong para guminhawa ang iyong lalamunan.
Para matulungan ka, narito ang ilang tips para malagpasan mo ang mga araw na may itchy sore throat ka:
Quick Tips Para sa Itchy Sore Throat
Heto ang mga ilang bagay na pwede mong gawin para sa iyong makati at masakit na lalamunan:
- Iwasang Matuyo ang Lalamunan
Ang pagiging hydrated ay tumutulong para panatilihing basa angsensitibong parte ng lalamunan, kaya mas nagiging madali ang paglunok at pagsasalita. Nakakatulong din ito sa pagpapalabnaw ng mucus at sapag-alis ng irritants na sanhi ng sipon o allergy.
- Iwasan ang mga irritants
Kapag masakit na ang lalamunan mo, huwag mo na itong lalong palalain. Iwasan ang mga bagay tulad ng usok ng sigarilyo, alikabok, balahibo ng hayop, at mga sobrang maanghang na pagkain o mainit na inumin. Lahat ng ito ay pwedeng magdulot ng pamamaga o panunuyo ng lalamunan.
- Pahingahin ang Boses
Ang pagsasalita ay nakakapwersa sa vocal cords mo, lalo na kung masakit na ang lalamunan mo. Dagdag pa pwedeng bumagal ang paggaling mo. Subukang magpahinga muna sa pagsasalita. Gawing maikli ang usapan at dahan-dahanin ang pagsasalita kung kinakailangan.
Ang tuyo na hangin sa loob ng bahay ay pwedeng makapalala ng iritasyon sa lalamunan. Kung kaya, buksan ang mga bintana, o gumawa ng cross-ventilation” sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pinto para makaikot ang hangin sa loob ng bahay.
Ang maayos na bentilasyon ay makakatulong para mabawasan ang dami ng mikrobyo sa hangin, na maaaring magpalala pa ng sakit sa lalamunan.
- Subukan ang Throat Sprays
Kung nakakaramdam ka ng pananakit o pangangati ng lalamunan, makatutulong ang throat spray na may Chlorhexidine at Benzydamine. Ang Chlorhexidine ay isang antiseptic na tumutulong sa pagpatay ng mga virus at bacteria na maaaring sanhi ng pananakit, pamamaga, at iba pang discomfort sa lalamunan. Samantalang ang Benzydamine hydrochloride naman ay isang anti-inflammatory at pain reliever na tumutulong mawala ang iritasyon at pananakit sa lalamunan.
Ayon sa isang clinical study nina Huang at mga kasama, ang paggamit ng Chlorhexidine bilang oral rinse at mouth spray ay nakatanggal ng 86% ng SARS-CoV-2 (ang virus na sanhi ng COVID-19) sa oropharyngeal area, kumpara sa placebo.
Tutukan kung ano ang sanhi ng sakit ng lalamunan mo! Sabayan ang mga tips na ito ng paggamit ng produktong makakatulong direktang labanan ang iritasyon. Kung nangangati at sumasakit ang lalamunan, subukan ang Benzydamine hydrochloride + Chlorhexidine digluconate (Solmux® Throat Spray).
Ano ang Laman ng Bawat Bote?
Ang Benzydamine hydrochloride + Chlorhexidine digluconate (Solmux® Throat Spray) ay naglalaman ng mga sumusunod:
Benzydamine Hydrochloride: Tulong para sa Sakit ng Lalamunan Ito ay may Benzydamine Hydrochloride, isang anti-inflammatory na tumutulong magbigay-lunas sa pananakit, pamamaga, at pamumula, pati na rin sa pagpapawala ng sakit sa lalamunan.
Chlorhexidine Digluconate: Tulong sa Pagpatay ng Virus at Bakterya Mayroon din itong antiseptic na Chlorhexidine Digluconate na pumapatay sa mga virus at bacteria na sanhi ng pangangati at pananakit ng lalamunan. Bukod dito, tumutulong din itong pigilan ang paglala ng mga sintomas mo.
Ang Benzydamine hydrochloride + Chlorhexidine digluconate (Solmux® Throat Spray) ay nasa 30mL na bote na madaling dalhin, kaya pwede mong gamitin kahit kailan at saan man para sa pangangati at sakit ng lalamunan!
Paano Gamitin?
● Lift
Hawakan ang bote nang patayo. Dahan-dahang iikot ang nozzle sa angle na 45 degrees.
● Target
Itapat ang nozzle papunta sa bibig, tiyaking naka direkta ito sa likod ng lalamunan. Mahalaga ang tamang posisyon para maabot ng gamot ang apektadong parte.
● Spray
Bahagyang buksan ang bibig at pindutin nang mahigpit ang nozzle. I-spray ng 2 hanggang 4 na beses, siguraduhing diretso ito sa lalamunan.
● Repeat
Gamitin ang spray nang regular tuwing 1.5 hanggang 3 oras, o ayon sa payo ng iyong doktor.
If symptoms persist, consult a doctor.
ASC Reference No. U0234P101625S
References:
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8274-sore-throat-pharyngitis https://newsinhealth.nih.gov/2013/03/soothing-sore-throat
https://pennstatehealthnews.org/2023/12/the-medical-minute-five-home-remedie s-can-soothe-your-sore-throat/
https://www.richmondsair.com/hvac-guide/air-quality/humidifier-or-dehumidifier-f or-coughs
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/jmv.26954
https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC10656865/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/318631
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sore-throat/symptoms-causes/syc-20351635
https://www.webmd.com/allergies/remedies-for-itchythroat
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8274-sore-throat pharyngitis
https://www.cdc.gov/sore-throat/about/index.html
https://www.citymd.com/health-and-wellness/scratching-surface Uncovering-causes-treatments-for-itchy-throat
https://www.healthline.com/health/dry-air
