fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Kabag, Flatulence o Colic? Ano ang Nararanasan ni Baby?

Kabag, Flatulence o Colic? Ano ang Nararanasan ni Baby?

Bilang adult, kaya mong sabihin agad kung may masakit sa ’yo.  Kapag nagsusuka ka, sumasakit ang tiyan mo, o hindi ka komportable, alam mo kung anong gamot ang bibilhin mo sa botika.


Bilang adult, kaya mong sabihin agad kung may masakit sa ’yo.  Kapag nagsusuka ka, sumasakit ang tiyan mo, o hindi ka komportable, alam mo kung anong gamot ang bibilhin mo sa botika. Pero si baby? Dinadaan niya lang sa iyak ang nararamdaman niya.  Kaya naman kapag tuloy-tuloy at matinis na ang pag-iyak, sinabayan pa ng matigas o matambol na tiyan, normal lang na kabahan ka o mag-alala.

Baka naman kabag na yan! Hinga mga mommies at daddies, hindi kayo nag-iisa. Ang article na ito ay matutulungan kang alamin kung kabag ang nararanasan ni baby. At syempre, may mga labas-hangin tips din dito.

Ano ang Kabag?

Ang kabag, kilala rin bilang flatulence o colic, ay ang kondisyon kung saan nararamdaman ng isang sanggol ng pananakit ng tiyan dahil sa sobrang hangin o gas sa kanilang bituka.  

Karaniwan itong nangyayari sa mga unang buwan ng buhay ng sanggol, lalo na sa edad na dalawa hanggang anim na linggo, at kadalasan ay nawawala sa edad na tatlo hanggang apat na buwan.  

Ang dahilan kung bakit mas madalas itong nararanasan ng mga sanggol ay dahil ang kanilang digestive system ay hindi pa ganap na nabuo, kaya sensitibo sila sa hangin, pagkain, o anumang stimulus sa tiyan.¹

Bakit Kinakabag si Baby?

May ilang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng kabag ang mga sanggol. Kabilang dito ang:¹  

  1. Mabilis na pag-dede o overfeeding

    Kapag masyadong mabilis ang pagkain o sobra sa dami, nagkakaroon ng hangin sa tiyan si baby. 

  2. Paglunok ng Hangin Habang Nagpapakain

    Madalas itong nangyayari kapag umiiyak ang sanggol o hindi maayos ang posisyon sa pagpapadede. 

  3. Reaksyon sa Pagkain ng Ina

    Sa mga sanggol na breastfed, may ilang pagkain na kinakain ni mommy, gaya ng gatas, kape, maanghang at matatabang pagkain, na maaaring magdulot ng kabag.

Bagamat normal at hindi kadalasang delikado, ang kabag ay nakaka-stress para sa parehong sanggol at magulang.

Gas Pain Dala ng Kabag ni Baby!

Dahil sa gas pain na nararamdaman ni baby, maari siyang patuloy na umiyak sa loob ng tatlong oras sa isang araw. Puwede rin itong maulit ng tatlong beses sa isang linggo o higit pa.

Bukod dito, heto ang ilang mga sintomas ng gas pain na dapat mong bantayan:2,3,4,5

  • Hindi mapakali at paiba-iba ng pwesto si baby
  • Bloated o matambol ang kanyang tiyan
  • Hinahawakan o pinipisil niya ng paulit-ulit ang tiyan.
  • Madalas na pag-ungol niya.
  • Ang pag-utot o pagdudumi ni baby ay mas madalas kaysa karaniwan.
  • Namamaluktok ang likod niya.
  • Kinukurot niya ang kanyang mga kamay at tinitiklop ang kanyang mga tuhod papunta sa tiyan.
  • Hirap din siya sa paghinga.

Paano Matutulungan si Baby?

Narito ang ilang simpleng paraan para mapababa ang posibilidad ng kabag at gas pain:

  1. Subukan ang Breastfeeding

    Ang gatas ng ina ay mas madaling tunawin ng tiyan ng sanggol kumpara sa formula milk.6 Dahil dito, mas nababawasan ang posibilidad ng iritasyon at pag-ipon ng hangin sa bituka.

  2. Posisyon sa Pagpapakain

    Siguraduhing nasa tamang posisyon ang baby habang nagpapakain. Tiyakin na ang ulo ng baby ay mas mataas kaysa tiyan.

  3. Pagpili ng Tamang Size ng Bote

    Pumili ng bote na may tamang size ng butas para sa edad ni baby.7 Ang sobrang mabilis o mabagal na daloy ng gatas ay maaaring magdulot ng paglunok ng hangin.

  4. Swaddling

    Ang pagbabalot sa baby gamit ang malambot na kumot ay nakatutulong upang maramdaman niyang secure siya.8,9

  5. Paggalaw

    Subukang buhatin si baby at tapik-tapikin. Maaari mo rin siyang ilipat ng pwesto tulad ng paglilipat kay baby sa kanyang stroller.8,9

  6. Regular Check-up

    Palaging kumonsulta sa pediatrician upang masiguro na walang ibang problema ang baby. Kapag siya ay nagkaroon ng kabag o Colic, maaring mag-suggest ng over-the-counter na gamot ang iyong pediatrician. Maaari mong subukan ang The Most Pedia Prescribed Antacids and Antiflatulents Brand, Simeticone (Restime®).

Simeticone (Restime®): Tulong sa Kabag

Ayon sa payo ng pedia, ang kabag ay nasa loob ng tiyan, kaya dapat, ang solusyon ay manggaling din sa loob! Ang Simeticone (Restime®) ay may simeticone na pwede for infants and kids. Nakakatulong ito para mailabas ang na-trap na hangin sa tiyan.

Bukod pa rito, ang Simeticone (Restime®) for kids ay may Labas-Hangin Action. Pwedeng gumana ang bisa in as fast as 15 minutes.

Suggested Usage Para sa Babies

Bago gamitin, i-shake muna ang bote. Para sa mga sanggol mula kapanganakan hanggang dalawang taong gulang, ang karaniwang dosis ay kalahating milliliter (0.5 mL). Katumbas ito ng 20 mg, na iniinom apat na beses sa isang araw pagkatapos kumain at bago matulog. Basta kabag ni baby, ate o kuya, Simeticone (Restime®) to the rescue! 

If symptoms persist, consult a doctor.

References:

  1. What’s causing gas in my breastfed baby? (2025, February 5). Texas Children’s.

  2. De Bellefonds, C., & De Bellefonds, C. (2025, August 1). Have a gassy baby? What to know about infant gas. What to Expect.

  3. Website, N. (2025a, June 19). Farting (flatulence). nhs.uk.

  4. Vinmec International Hospital. (2024, December 29). Is it normal or abnormal for infants to pass gas frequently? Vinmec International Hospital.

  5. Philadelphia, C. H. O. (n.d.-c). How to Help a Newborn with Gas. Children’s Hospital of Philadelphia.

  6. Cohen Engler, A., Hadash, A., Shehadeh, N., & Pillar, G. (2012). Breastfeeding may improve nocturnal sleep and reduce infantile colic: potential role of breast milk melatonin. European journal of pediatrics, 171(4), 729–732.

  7. Choosing a bottle flow rate. (n.d.).

  8. Colic. (2025, July 16). Cleveland Clinic.

  9. Colic relief tips for parents. (n.d.). HealthyChildren.org.

Was this article helpful?

Related Products