fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Nauubos ang Sick Leaves sa Sipon? Subukan ‘tong mga Bilis-galing Tips

Nauubos ang Sick Leaves sa Sipon? Subukan ‘tong mga Bilis-galing Tips

Huwag nang hintaying lumala ang mga sintomas ng sipon. Heto ang ilang mga bagay na makakatulong sa iyong mas mabilis na paggaling.


Nakakalungkot kapag may sipon, ‘di ba? Gusto mong matapos ng maaga ang mga  trabaho mo pero panay ang pagbahing at runny nose mo. Hindi mo rin maenjoy  ang lunchbreak kasi walang lasa ang mga pagkain. At kahit gusto mo, hindi ka  makafocus nang maayos dahil panay ang tulo ng sipon mo.  

Hindi biro ang mga sintomas ng sipon! Bukod sa mga discomfort na nararamdaman  mo, maapektuhan talaga nila ang productivity at enjoyment mo. May mga araw pa  na dahil dito, mapipilitan ka nalang huwag pumasok. Pero huwag kang mag-alala,  hindi ka nag-iisa. Dagdag pa, may mga maaari kang gawin para gumaan ang  pakiramdam mo habang nagsisimula pa lang lumabas ang mga sintomas ng sipon  mo. Basahin mo ang mga bilis-galing tips na ito.  

1.Subukan ang Over-the-Counter Medicine  
Tuwing nakakaramdam ka ng sipon, mahalagang kumilos agad sa unang  senyales pa lang. Pero ang tanong ng marami: May mabisang gamot ba sa  sipon ba talaga?  

May mga over-the-counter (OTC) medicine for sipon na puwedeng inumin  para maibsan ang mga sintomas tulad ng pagbahing, runny nose, barado  ang ilong, pananakit ng ulo, at itchy watery eyes. Mabibili mo ang mga ito sa  botika kahit walang reseta. Nakatutulong ang mga ito para guminhawa ang  katawan mo laban sa virus. Para sa mga sintomas ng sipon, pwede mong  subukan ang Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol +  Zinc (Neozep® Z+ Forte).  

2. Subukan ang Meditation at Ehersisyo  
Alam mo ba? Malaking tulong ang meditation at ehersisyo para mas  mapabilis ang pag-galing kapag may sakit ka gaya ng sipon o ubo. Ayon sa  pag-aaral ni Bruce Barrett (2012–2016), mas mabilis gumaling ang mga taong  regular na nagme-meditate o nag-eehersisyo kapag tinamaan ng sipon. Mas  kaunti rin ang araw na sila’y may sakit, at mas magaan ang sintomas  kumpara sa mga hindi nagme-meditate o nag-eehersisyo.  
Kaya kung sa opisina mo ay may quiet space o break room, subukan mong  maglaan ng kahit 5–10 minuto sa paghinga nang malalim o simpleng  stretching.  

3. Makakatulong ang Zinc Para sa mga Sintomas  
Paano nga ba nakakatulong ang zinc sa iyo, kapag may sipon? Una,  pinapalakas nito ang immune system sa pamamagitan ng pagpapa-aktibo  sa mga immune cells na lumalaban sa virus at bakterya. Ikalawa, pinipigilan  nito ang pagdami ng virus, lalo na sa kapag bago pa lang ang sipon. Kaya’t  nakakatulong itong kontrolin ang impeksyon bago pa ito lumala. Dagdag pa  rito, pinapaikli ng zinc ang tagal ng sipon, lalo na kung maagang naibigay.  Bukod dito, mayroon din itong anti-inflammatory properties na nakatutulong  sa pagbawas ng pamamaga na karaniwang kasama ng sipon.  

4. Kumain ng Masustansyang Pagkain sa Lunch Break  
Sa halip na kumain sa labas tuwing lunch break, mas mainam na magbaon  ng masustansyang pagkain mula sa bahay. Ilan sa mga puwedeng isama sa  iyong baon ay saging, na madaling kainin at magaan sa tiyan. Maaari mo rin  samahan ang iyon baon ng berries, na hindi lang masarap kundi sagana rin  sa antioxidants na mainam para sa katawan. Ang kangkong naman ay  puwedeng ihalo sa salad o smoothie bilang dagdag na mapagkukunan ng  bitamina C at E. Makabubuti ring isama ang yogurt, na may probiotics o  mabubuting bacteria na tumutulong sa kalusugan ng tiyan at overall immune  system.  

Sipon lang ‘yan, pero ‘pag pinabayaan, sick leave agad ang katapat! Kaya bago ka  pa mapilitang magpaalam kay boss at maapektuhan ang trabaho mo, subukan mo  na agad ang mga tips na nabanggit.  

Bukod sa mga tips na nasabi kanina, mahalaga rin ang pag-iingat upang hindi  makahawa sa iba. Ugaliing magtakip ng bibig kapag bumabahing at palaging  maghugas ng kamay. Sa ganitong paraan, hindi mo lang pinoprotektahan ang sarili  mo kundi pati na rin ang mga taong nasa paligid mo.  

Habang maaga pa, kumilos na agad at tugunan ang mga sintomas. Huwag tiising  ang ang sama ng pakiramdam.  

Para sa mga sintomas ng sipon, subukan ang gamot sa sipon na Phenylephrine HCl  Chlorphenamine Maleate Paracetamol + Zinc (Neozep® Z+ Forte).  

Ang Best-Ever Neozep, Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol +  Zinc (Neozep® Z+ Forte), ay mayroong Zinc. Ginagamit ito para makatulong laban sa  mga sintomas tulad ng baradong ilong, runny nose, postnasal drip, itchy at watery  eyes, pagbahing, allergic rhinitis, sinusitis, at iba pang minor na impeksyon sa  airways. Nakakatulong din ito para mabuksan ang mga daanan ng hangin sa sinus  at maprotektahan ang mga cells ng respiratory system laban sa mga viruses.  

Ang Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol + Zinc (Neozep® Z+  Forte) ay inaasahang magkaroon ng bisa in as fast as 15 minutes.  

Gaano Kadalas at Gaano Karaming Gamot ang Dapat Inumin?  
Uminom agad ng Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol + Zinc  (Neozep® Z+ Forte) sa unang senyales ng sipon. Para sa mga adults: Isang tableta  kada 6 na oras, o ayon sa rekomendasyon ng doktor.  

Bisitahin ang Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol + Zinc  (Neozep® Z+ Forte) website para sa karagdagang impormasyon.  

If symptoms persist, consult a doctor.  

ASC Reference No. U0023P110725N

References:  
Meditation or exercise for preventing acute respiratory infection: A randomized controlled trial | PMC
Overview: Common colds | NCBI Bookshelf
Advantage of meditation over exercise in reducing cold and flu illness is related to improved function and quality of life | PMC
How to Get Rid of a Cold Fast | Healthline

Was this article helpful?

Related Products