Mahirap aminin, pero minsan talaga may mga sakit kang mararamdaman na hindi inaasahan at pwede pang maka-istorbo sa daloy ng iyong araw. Isang halimbawa na nito ang namimilipit na sakit ng tiyan na kadalasang nararamdaman dahil sa dami o uri ng pagkain.
Kung madalas mong nararanasan ang sakit ng tiyan, huwag na hayaan itong lumala. Narito ang ilang mga tips na makakatulong sa pag-agap ng sakit ng tiyan para hindi na ito lumala at maka-abala pa sa iyong pang-araw-araw na gawain.
#1: Uminom ng tubig at mga clear fluids.
Malaki ang papel nito sa pag-break down ng pagkain para makuha ang mga nutrients na kailangan ng katawan. Pero kapag sumasakit ang iyong tiyan, makakatulong ang pag-inom ng tubig sa pag-iwas sa dehydration na kadalasang nangyayari kapag sinabayan rin ito ng pagsusuka at pagdumi.
Bukod sa tubig, inirerekomenda din ng ilang mga eksperto ang pag-inom ng sabaw na gawa sa chicken stock o bone broth kapag sumasakit ang tiyan. Maaari nitong palitan ang mga fluid at mineral sa katawan tulad ng sodium, potassium, at calcium na lumalabas kapag ika’y sumuka o dumumi.
#2: Huwag piliting kumain ng madami sa isang kainan.
Kapag madalas sumasakit ang tiyan pagkatapos kumain, baka mayroon kang kailangang baguhin sa iyong eating habits. Subukang kumain ng pagkain na may mas maliit na portion sizes sa nakagawian. Tutulong ito para maiwasan ang kaso ng overeating, na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagsakit ng tiyan. Huwag ring kalimutang kainin ang mga meals na ito nang mas madalas (higit pa sa karaniwang tatlong beses kada araw) para hindi mabigla ang iyong tiyan.
#3: Iwasan ang ilang pagkain.
Kung madalas sumasakit ang iyong tiyan, iwasang kumain ng mga pagkaing may maraming taba, mamantika, maanghang, at matamis. Isama na rin dito ang mga inuming may caffeine tulad ng kape. Maaari kasing mahirapan ang iyong digestive system na iproseso at i-breakdown ito sa katawan. Dahil dito, tataas ang posibilidad ng sakit ng tiyan.
#4: Tandaan ang apat na letra: BRAT
Ang payo ng ilang mga eksperto sa mga taong sumasakit ng tiyan? Kumain ng bananas, rice, apple juice o apples, at toast, o mas kilala bilang BRAT diet. Ang mga pagkaing nasa BRAT diet ay mababa sa fiber at walang asin o iba pang spices na pwedeng paigtingin ang sakit ng tiyan. Bukod dito, tutulong din ang mga nabanggit na pagkain sa pagpapakalma ng masakit na tiyan at pag-aksyon sa nausea o diarrhea na maaaring sumabay sa kondisyong ito.
#5: Maglagay ng heating pad sa apektadong lugar.
Kapag hindi posible ang pahinga dahil sa trabaho o iba pang responsibilidad, subukang maglagay ng heating pad sa ibabaw ng tiyan. Ang init na nilalabas ng heating pad ay tutulong sa pagpapakalma ng muscles at pag-agap sa sakit, nausea, o iba pang discomfort na nararamdaman.
Tandaan lamang na hindi dapat patagalin ang paglagay ng heating pad sa ibabaw ng tiyan, lalo na kung direkta itong inilapat sa balat. May posibilidad kasi na masugatan o mamula ang balat dahil sa sobrang init.
#6: Suriin kung may kondisyon ka na nagdudulot ng sakit ng tiyan.
Sumasakit pa ba ang iyong tiyan kahit naghinay-hinay ka na sa pagkain at iniwasan ang mga hindi nararapat kainin? Kapag oo, kumonsulta na kaagad sa isang doktor na tutulong sa pagsiyasat ng mga sintomas at pagbigay ng tamang diagnosis. May posibilidad kasi na mayroon ka nang kondisyon na nagdudulot nito. Halimbawa ng mga health issue na maaaring magdulot nito ay:
- Mga allergies o intolerance sa pagkain tulad ng gatas, itlog, mani, shellfish, at soy
- Constipation
- Indigestion
- Diarrhea
- Gastrointestinal reflux disease (GERD)
- Peptic ulcer disease
#7: Tigilan ang paninigarilyo o paggamit ng electronic cigarettes.
Kung naghahanap ka ng senyales na bitawan ang sigarilyo o vape na hawak mo, ito na iyon. Ayon sa pananaliksik, ang paninigarilyo ay nagdudulot ng pinsala sa digestive system (kung nasaan ang iyong tiyan). Ito’y dahil ang nicotine, ang pangunahing “sangkap” ng sigarilyo, ay pwedeng magdulot ng inflammation sa katawan at magpataas ng panganib para sa iba’t ibang mga sakit at infection sa gastrointesinal tract.
Hindi rin ligtas ang mga gumagamit ng electronic cigarettes, o mas kilala bilang e-cigs o vape. Base sa pag-aaral, nakakaapekto sa digestive system at iba pang sistema at organ sa katawan ang mga e-cig o vape. Nagdulot din ito ng malawakang inflammation sa katawan na siyang nagpataas sa panganib ng isang tao para sa mga infections.
#8: Magtanong sa doktor tungkol sa gamot para sa sakit ng tiyan.
Alam mo bang may gamot na makakatulong sa pag-agap ng sakit ng tiyan? Bukod sa mga suggestion na nabanggit, pwede mo ring tanungin ang doktor tungkol sa Hyoscine-N-Butylbromide (Hyos®), na tutulong sa pag-agap ng mga sintomas tulad ng sakit ng tiyan, cramps, at iba pang uri ng stomach discomfort.
Mayroon itong hyoscine-n-butylbromide, isang antispasmodic agent na tutulong sa pagpapakalma o pagpapa-relax ng mga smooth muscles na matatagpuan sa tiyan, intestines, at bile duct. Pinipigilan ng hyoscine-n-butylbromide na umepekto ang acetylcholine sa mga muscles, kaya nakakatulong ito sa pagbawas ng muscle contractions at masasakit na spasms and cramps.
Ang suggested use ng Hyoscine-N-Butylbromide (Hyos®) ay 1 to 2 tablets kada 4 hanggang 6 na oras para sa total na 3 hanggang 4 na beses kada araw, o ayon sa inirekomenda ng iyong doktor.
Mabibili ang Hyoscine-N-Butylbromide (Hyos®) online o sa mga botika nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php25.96 kada tablet.
If symptoms persist, consult your doctor.
References:
12 home remedies for stomach pain
Is It Better To Eat Several Small Meals Or Fewer Larger Ones
Can Smoking Cause Stomach Pain
Abdominal Pain In Adults Treatment
Slideshow Food Stomach Upset
The 9 Best Foods For An Upset Stomach According To Doctors
Nutrition and healthy eating
Abdominal Pain
How To Get Rid Of A Stomach Ache
ASC Ref No. U0004P110725H
