fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Dolfenal 2023 Banner
asian man with toothache

Subok na Tips para sa Sakit ng Ngipin

Alamin ang bilis-relief na subok na (works in as fast as 15 minutes) pantulong laban sa sakit ng ngipin. Basahin ang ilang tips dito.


Hindi ka na ba makatulog dahil sa sakit ng ngipin? Nahihirapan ka bang tikman ang iyong mga paboritong pagkain dahil hirap ngumuya? Ito lang ang ilan sa mga senyales ng pananakit ng ngipin o mas kilala bilang toothache. At kung nakakapagsalita lang ang iyong mga ngipin, sila mismo ang magsasabing huwag nang patagalin pa ang nararamdamang sakit! 

Anuman ang sanhi ng sakit ng ngipin, mahalagang maagapan ito kaagad para maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng dental abscess at gum disease. Bukod sa malala at tuloy-tuloy na sakit, magiging magastos at mabigat sa bulsa kung hahayaang makumplika ang karamdaman.

Kaya kapag nararamdaman na ang mga unang senyales ng sakit ng ngipin, aksyunan ang mga ito kaagad. May iba’t ibang mga paraan para maibsan ang sakit na dulot ng toothache at narito ang ilan sa mga tips na maaaring makatulong.

1.    Maglapat ng ice packs sa mukha.
Ang lamig mula sa ice pack ay may kakayahan na paliitin ang mga blood vessels at bawasan ang sakit at maga o inflammation sa ngipin. Bagamat pansamantala ang ginhawa na maibibigay nito, hindi maipagkakaila na makakatulong ito sa pag-aksyon sa sakit. 

Paano nga ba ang tamang paggamit ng ice pack? Ibalot sa tuwalya ang isang bag na may yelo o kahit mga frozen pack ng mga prutas at gulay, at ilapat ito sa ibabaw ng panga ng 20 minuto. Ulit-ulitin ito ilang beses kada araw. 

2.    Magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin. 
Ang asin ay maituturing na isang disinfectant na tutulong sa pag-agap sa sakit ng ngipin, at pagbawas ng maga. Masusubukan ang remedy na ito sa pamamagitan ng paghalo ang 1/2 teaspoon ng asin sa 8 ounces ng maligamgam na tubig. Gamitin ito bilang pang-mumog sa loob ng 30 seconds at idura pagkatapos.  

3.    Alagaan ang ngipin sa pamamagitan ng good dental hygiene.
Ayon sa isang kasabihan, “Prevention is better than cure.” Sa pamamagitan ng good dental hygiene habits, maaaring maiwasan ang sakit ng ngipin. Ugaliing magsipilyo dalawa hanggang tatlong beses kada araw, gamit ang isang soft bristle na toothbrush at fluoride toothpaste. 

Huwag rin kalimutan ang paggamit ng floss sa ngipin. Isang beses dapat ito kada araw. Kung pwede, tanungin rin ang iyong dentista tungkol sa paggamit at pag-mumog ng isang antibacterial mouthwash, dalawang beses naman kada araw. 

4.    Regular na ipalinis ang mga ngipin.
Makakatulong rin ang pagbisita sa dentista para makaiwas sa toothache. Kung kakayanin, ipalinis ang iyong ngipin sa isang dentista o dental hygienist dalawang beses kada taon. Mga eksperto pagdating sa oral health at pangangalaga ng ngipin, ang mga dentista ay makakapagbigay ng payo upang mapabuti ang kondisyon ng ngipin. 

Sa pamamagitan ng mga regular na checkup sa dentista, maaaring makita’t maaksyunan agad ang anumang senyales ng isyu sa iyong ngipin. 

5.    Iwasan o tumigil sa paninigarilyo. 
Gamit man ang sigarilyo o vape, ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng sari-saring problema sa iyong ngipin. Ayon sa mga eksperto, bukod sa sakit ng ngipin, ang paninigarilyo ay maaaring maging sanhi ng bad breath o mabahong hininga, at stains o discoloration sa ngipin.

May posibilidad ding tumaas ang risk o panganib ng isang tao para sa mga isyu tulad ng tooth decay, tooth loss, gum disease, at kanser sa bibig. 

6.    Bawasan o limitahan ang pagkain o pag-inom ng mga matatamis.
Ang mga matatamis na pagkain ay maaaring magdulot ng cavities na nakakapinsala sa ngipin at nagdudulot ng sakit. Kung ikaw ay dumaranas na ng sakit sa ngipin o naghahanap ng paraan para maagapan ito, bawas-bawasan ang mga matatamis na pagkain tulad ng kendi, tsokolate, at softdrinks. 

7.    Uminom ng Mefenamic Acid for toothache relief.
Sa ilang mga pagkakataon, inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng gamot para makatulong laban sa sakit ng ngipin. Halimbawa ng mga gamot na ito ay ang ibuprofen o naproxen.

Pero alam mo ba na maaaring inumin ang Mefenamic Acid kung sakaling sumakit ang iyong ngipin? Ang Mefenamic Acid ay isang uri ng non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na gumagana sa pamamagitan ng pagbago ng reaksyon ng katawan sa iba’t ibang uri ng sakit. Dahil sa epektong ito, nababawasan ang sakit at inflammation sa katawan at nakakadagdag sa ginhawa. 


Subukan ang Mefenamic Acid (Dolfenal)
Masakit man isipin ang toothache at ang mga posibleng epekto nito, tandaan na may kakayahan kang solusyunan ito. Para sa Bilis-relief na subok na at pwedeng umaksyon sa loob ng 15 minuto, piliin ang Mefenamic Acid (Dolfenal®)! 

Ang Mefenamic Acid (Dolfenal®) ay konektado sa mga uses at benefits pagdating sa pagresolba ng sari-saring klase ng sakit. Ang gamot na ito ay makakatulong laban sa:

  • Mild to moderate pain tulad ng sakit sa ulo, sakit pagkatapos ng panganganak o surgery, primary dysmenorrhea, at menorrhagia (mabigat na daloy ng menstruation) na dulot ng dysfunctional causes
  • Sakit na konektado sa musculoskeletal at joint disorders tulad ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis

Kung nakakaranas na ng sakit ng ngipin, huwag mag-alinlangan at uminom kaagad ng gamot na kayang magbigay ng agarang ginhawa. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa bisa ng Mefenamic Acid (Dolfenal®) para sa iyong kondisyon.  

Ang inirerekomendang dose ng Mefenamic Acid (Dolfenal®) ay isang (1) tableta kada walong (8) oras, o ayon sa payo ng doktor. 

Mabibili ang Mefenamic Acid (Dolfenal®) online o sa mga drugstores nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php16.75 kada tableta.

If symptoms persist, consult your doctor. 

ASC Reference Code: U0194P112824D

References:
https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/mouth/toothache/ 
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10957-toothache 
https://www.webmd.com/oral-health/toothache https://www.webmd.com/oral-health/home-remedies-toothache 
https://www.medicalnewstoday.com/articles/320315#when-to-consult-a-dentist 
https://www.verywellhealth.com/smoking-and-dental-problems-1059118 
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/smoking-and-oral-health 
https://www.healthline.com/health/dental-and-oral-health/why-do-my-teeth-hurt-when-i-eat-sweets 

Was this article helpful?

Related Products