What is prediabetes? Ano ang mga prediabetes symptoms? Pareho ba ang prediabetes sa diabetes? Read on to learn more!
Ano ang prediabetes?
Ang prediabetes ay isang kondisyon kung saan ang blood sugar ng isang tao ay mas mataas kaysa sa normal, pero hindi pa ito ganap na diabetes1. Dapat itong bigyan ng pansin dahil bagamat karaniwang walang sintomas ang prediabetes, kapag ito ay hindi naagapan, maaari itong humantong sa diabetes.
Prediabetes vs. diabetes
Ang tao ay nagkakaroon ng prediabetes, na maaaring maging type 2 diabetes, dahil sa insulin resistance1. Ang insulin ay isang hormone na tumutulong sa pagkontrol ng blood sugar level ng ating katawan. Kapag ikaw ay may insulin resistance, ang iyong katawan ay hindi na nagre-respond nang maayos sa insulin. Dahil dito, tumataas ang iyong blood sugar level.
Maaaring mauwi ang type 2 diabetes sa iba pang malubhang mga sakit tulad ng heart problems, nerve damage, at kidney damage1. Dahil dito, mahalagang malaman agad kung ikaw ay may prediabetes, bago pa ito maging type 2 diabetes.
At risk ba ako sa prediabetes?
May ilang bagay na pwedeng magpataas ng iyong risk na magkaroon ng prediabetes1, 2:
• May kamag-anak na may diabetes
• Kung ikaw ay overweight o obese (BMI > 25)
• May excess body fat, lalo na sa tiyan
• Physically inactive
• Naninigarilyo
• May Obstructive Sleep Apnea o ang paulit-ulit na paghinto at muling pagsisimula ng paghinga habang natutulog
• Mahilig kumain ng processed at high-sugar food
• Edad 45 pataas
• May history ng gestational diabetes (diabetes habang buntis), cardiovascular disease, hypertension, o high cholesterol,
• May polycystic ovary syndrome (PCOS)
Kung mayroon ka ng isa o higit pa sa mga ito, mas mainam na magpa-check up agad sa doktor para sa nararapat na medical advice.
Mga senyales na ang prediabetes ay naging diabetes na
Bagamat kadalasan ay walang symptoms ang prediabetes, may ilang senyales na maaaring maramdaman ng iba2:
• Laging nauuhaw
• Mas madalas na pag-ihi
• Laging gutom
• Labis na pagod o panghihina
• Malabong paningin
• Pamamanhid o pagkirot sa kamay at paa
• Hindi inaasahang pamamayat o pagbagsak ng timbang
Tandaan: kahit ikaw ay walang nararamdaman na sintomas, pwede ka pa ring magkaroon ng prediabetes.
Kung normal ang iyong resulta, mainam pa ring magpa-screen uli pagkatapos ng tatlong taon. Kung pinaghihinalaan mong ikaw ay may prediabetes, mabuting kumonsulta agad sa iyong doktor.
Dapat ba akong mag-alala kung prediabetic ako?
Hindi kailangang mag-panic, pero mahalagang maging maingat at alerto. Ayon sa isang study, 70% ng mga taong may prediabetes ay maaaring magkaroon kalaunan ng type 2 diabetes3. Ang good news: maaari pa itong maagapan at ma-reverse.
Paano maiwasan ang paglala ng prediabetes patungo sa diabetes
Can prediabetes be reversed? Yes, ngunit nangangailangan ito ng seryosong lifestyle changes. Narito ang ilang mga tips para makontrol ang prediabetes at maiwasan ang paglala nito tungo sa diabetes:
• Magbawas ng timbang. Inirerekomenda na magbawas ng 7% ng iyong kasalukuyang timbang sa tulong ngusing a low-fat diet3.
• Mag-ehersisyo araw-araw. Subukang makaabot sa ≥150 min/week of moderate-intensity physical activity.
• Kumain nang masustansya. Iwasan ang mga sugary at processed foods. Kumain ng gulay, prutas, whole grains, at lean protein6. gaya ng white meat, beans, at tofu. Maaaring subukan ang Mediterranean style diet, intermittent fasting, o low carbohydrate diet9.
May gamot ba para sa prediabetes?
In some cases, maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot gaya ng metformin o acarbose na nakakatulong sa management ng high blood sugar level, lalo na kung ikaw ay high-risk4, 5, 9.
Kahit may gamot na pwedeng makatulong sa pag-manage ng prediabetes, hindi ito dapat gawing kapalit ng healthy lifestyle.
Mahalaga ring magpa-test muli ang isang may prediabetes para ma-monitor kung ito ba ay nagpo-progress na papunta sa diabetes.7
Tandaan, ang prediabetes ay isang warning sign para sa iyong katawan. Importante ang maagap na pagkonsulta sa doktor lalo na kung may risk factors ka. Hindi pa huli ang lahat para baguhin ang lifestyle mo at bumalik sa mas malusog na kondisyon. Huwag hintaying maging diabetes ito bago ka kumilos.
Your doctor will always be in the best position to give the appropriate medical advice for your condition. For suspected undesirable drug reaction, seek medical attention immediately and report to the FDA at www.fda.gov and UNILAB Inc. at 8-UNILAB-1 or productsafety@unilab.com.ph. Always buy your medicine from your trusted drugstores and retailers.
References:
1. Cleveland Clinic, Prediabetes
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21498-prediabetes
2. Mayo Clinic, Prediabetes
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prediabetes/symptoms-causes/syc-20355278
3. StatPearls, Prediabetes
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK459332/
4. Mayo Clinic, Metformin (oral route)
https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/metformin-oral-route/description/drg-20067074
5. Cleveland Clinic, Acarbose Tablets
https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/18652-acarbose-tablets
6. Hopkins Medicine, Prediabetes Diet
https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/prediabetes-diet
7. Philippine College of Endocrinology Diabetes and Metabolism, PRE-DIABETES A Reversible Path to Diabetes
https://endo-society.org.ph/pre-diabetes-reversible-path-diabetes/
8. Healthline, Top 13 Lean Protein Foods
https://www.healthline.com/nutrition/lean-protein-foods
9. Prevention or Delay of Diabetes and Associated Comorbidities: Standards of Care in Diabetes—2025 https://diabetesjournals.org/care/article/48/Supplement_1/S50/157550/3-Prevention-or-Delay-of-Diabetes-and-Associated