fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Normal Ba Ang Nerbyosin Nang Walang Dahilan?

Normal Ba Ang Nerbyosin Nang Walang Dahilan?

Ano nga ba ang nerbyos at ang dahilan nito? Alamin dito.

Medically Inspected by: Maria Grace A. De Guzman, MD, Justin Vito Sy, MD-MBA

Lagi ka bang ninenerbyos o biglang kinakabahan nang walang dahilan? Paano mo malalaman kung kailangan mo na ng tulong mula sa isang doktor? Susubukan nating sagutin ang iyong mga katanungan.

Normal lang sa mga tao na makaramdam ng nerbyos o anxiety. Halimbawa, kung ikaw ay nasa isang mapanganib o nakababahalang sitwasyon, maaari kang makaramdam ng nerbyos. Masasabi rin na nakatutulong ang makaranas ng anxiety o nerbyos dahil nagbibigay ito sa iyo ng dagdag na energy at focus upang malutas ang isang problema.

Kaya lang, ang sobrang nerbiyos ay hindi na normal, at maaaring makapinsala sa iyong kalusugan. 

Maaaring maging sakit ang nerbyos kapag1:

Matindi ang iyong nararamdamang takot kahit sa mga simpleng bagay o pang-araw-araw na sitwasyon na hindi naman stressful o mapanganib. Nakakaapekto na ito sa relasyon mo sa ibang tao, sa performance mo sa trabaho, o sa iyong mga pang-araw-araw na gawain

Maraming posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ang isang tao ng anxiety disorder. Posibleng nakaranas ka ng trauma noong bata ka pa, na maaaring nagdudulot sa iyong anxiety ngayon. Ang labis na stress dahil sa mga problema sa trabaho, pamilya, kalusugan, at iba pa ay maaari ring maging sanhi. May posibilidad din na ang anxiety ay namana sa pamilya.

Mga Sintomas ng Anxiety Disorder

Ang nerbyos na dulot ng anxiety disorder ay ang pinagsamang matinding pag-aalala, at ang physical tension na dulot nito. 

Ilan sa mga physical symptoms na maaari mong maranasan ay2:

  • Mabilis na tibok ng puso
  • Labis na pagpapawis
  • Panginginig
  • Hirap mag-concentrate
  • Hirap makatulog

Maaaring makaranas din ng tinatawag na panic attacks ang mga taong may anxiety. Ang panic attack ay matinding pagkabalisa o takot kahit walang panganib. Biglaan itong nagsisimula at maaaring tumagal ng ilang minuto hanggang isang oras bago mawala9.

Tandaan na mahalaga ang pagkonsulta sa doktor tulad ng psychiatrist dahil sila lamang ang makakapagsabi kung ang mga sintomas na iyong nararanasan ay epekto ng pagkakaroon ng anxiety disorder.

Mabisang treatment sa nerbyos

Iba’t-iba ang mabisang treatment o gamot sa nerbyos. Narito ang mga mental health treatments o "psychotherapy":

Talk therapy

Ang layunin ng talk therapy o psychotherapy ay tulungan ang isang pasyente na kilalanin at i-manage ang kanyang labis na pag-iisip, nerbyos, o nakakapinsala na pag-uugali (unhealthy behavior) 3.

Kabilang sa mga approach sa therapy ang:

  • Cognitive Behavioral Therapy (CBT). Tinutulungan ng CBT ang isang tao na matukoy at baguhin ang mga negatibo o hindi nakakatulong na pag-uugali. Ang layunin ng CBT ay mapabuti ang emotional well-being at kakayahang makayanan ang mga hamon ng buhay.  
  • Exposure therapy. Ang exposure therapy ay nakakatulong sa isang tao na mabawasan ang kanyang pagkabalisa at pag-iwas sa mga negatibong pag-uugali sa pamamagitan ng unti-unting pagharap sa mga “triggers” o mga bagay na kanyang kinatatakutan. Lumilikha ng isang ligtas na kapaligiran ang psychotherapist kung saan ang isang tao ay maaaring harapin ang kanyang mga takot, maging iyon ay mga bagay, sitwasyon, o kahit na mga iniisip at sensasyon, sa isang kontroladong paraan.

Medication

Mabibili lamang ang mga gamot sa anxiety kung mayroong reseta galing sa doktor tulad ng psychiatrist. Kadalasang ni-rerekomenda ang Selective Serotonin Reuptake Inhibitors (SSRIs) na ginagamit bilang pampakalma na gamot at antidepressant4

Ilang karaniwang SSRI ang mga sumusunod:

Sundin ang payo ng doktor kung paano inumin ang gamot at huwag ihinto ang pag-inom nang walang payo ng doctor.

Gamot sa Nerbyos: Home Remedies

Narito ang ilang bagay na makakatulong para makontrol ang mga sintomas ng anxiety5:

  • Regular na ehersisyo. Nakakatulong ito para mapabuti ang mood sa pamamagitan ng paggawa ng “happy hormones” at stress relief8.
  • Alamin ang iyong mga trigger. Ang mga trigger ay mga bagay, tao, o sitwasyon na nagpapalala ng iyong anxiety. Nakakatulong ang regular na pagsusulat sa journal para matukoy ang iyong mga trigger tuwing ikaw ay nagkakaroon ng nerbyos.
  • Iwasan ang paninigarilyo, droga, at alak. Maaaring makaapekto ang mga ito sa balanse ng kemikal sa utak at maaaring magpalala ng anxiety.
  • Stress management techniques. Nakakatulong ang mga mindfulness practice tulad ng meditation sa pag-regulate ng emosyon at pagpapakalma ng isip, na nakababawas sa anxiety.
  • Pag-inom ng tsaa. Ilang mga ingredients na ginagamit sa tsaa, tulad ng passion flower extracts, valerian, chamomile, at lavender ay maaaring makatulong sa pag-relax ng pag-iisip. Tandaan lamang na ang mga ito ay natural products at nangangailangan ng karagdagang medical research6.
  • Omega-3 sa iyong diet. Maaaring makatulong ang omega-3 fatty acids sa pagbawas ng anxiety7. Makukuha ito sa mga malangis na isda tulad ng sardinas, salmon, at anchovies.

Tandaan na ang pagkabalisa ay maaaring maranasan ng mga tao sa anumang edad. Bagama’t mayroong mga paraan para matulungan ang sarili, hindi dapat mag-atubiling kumonsulta sa doktor kung kinakailangan. Ang mga propesyonal ang makatutulong upang matukoy kung ano ang dahilan ng anxiety at makapagbigay ng tamang gabay at lunas.

 

Your doctor will always be in the best position to give the appropriate medical advice for your condition. For suspected undesirable drug reaction, seek medical attention immediately and report to the FDA at www.fda.gov and UNILAB Inc. at 8-UNILAB-1 or productsafety@unilab.com.ph. Always buy your medicine from your trusted drugstores and retailers.

Sources:

1. MedlinePlus, Anxiety. https://medlineplus.gov/anxiety.html#:~:text=Anxiety%20is%20a%20feeling%20of,before%20making%20an%20important%20decision.  Accessed 11 April 2025

2. Mayo Clinic, Anxiety Disorders. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anxiety/symptoms-causes/syc-20350961  Accessed 11 April 2025

3. Cleveland Clinic, Anxiety Disorders. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9536-anxiety-disorders. Accessed 11 April 2025

4. Anxiety & Depression Association of America. SSRIs and Benzodiazepines for General Anxiety Disorders (GAD). https://adaa.org/learn-from-us/from-the-experts/blog-posts/consumer/ssris-and-benzodiazepines-general-anxiety Accessed 11 April 2025

5. Mayo Clinic. 11 Tips for Coping With An Anxiety Disorder. https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/11-tips-for-coping-with-an-anxiety-disorder  Accessed 11 April 2025

6. Mayo Clinic. Generalized Anxiety Disorder. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/generalized-anxiety-disorder/expert-answers/herbal-treatment-for-anxiety/faq-20057945. Accessed 11 April 2025

7. Association of Use of Omega-3 Polyunsaturated Fatty Acids With Changes in Severity of Anxiety Symptoms, JAMA Network. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC6324500/ Accessed 11 April 2025

8. Depression and anxiety: Exercise eases symptoms. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/depression/in-depth/depression-and-exercise/art-20046495 Accessed 28 May 2025

9. Panic attacks and panic disorder. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4451-panic-attack-panic-disorder  Accessed 28 May 2025.

Was this article helpful?